Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb22 Enero p. 9
  • Tulungan ang mga Bible Study na Dumalo ng mga Pulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang mga Bible Study na Dumalo ng mga Pulong
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Tulungan ang mga Bible Study na Magkaroon ng Malapít na Kaugnayan kay Jehova
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Tulungan ang mga Bible Study na Iwasan ang Masasamang Kasama
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Tulungan ang mga Bible Study na Daigin ang Maruruming Bisyo
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
mwb22 Enero p. 9

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Tulungan ang mga Bible Study na Dumalo ng mga Pulong

Mahalagang bahagi ng dalisay na pagsamba ang mga pulong sa kongregasyon. (Aw 22:22) Ang lahat ng nagtitipon para sumamba kay Jehova ay nagiging masaya at pinagpapala. (Aw 65:4) Kadalasan nang mas mabilis sumulong ang mga Bible study kung lagi silang dumadalo sa pulong.

Paano mo tutulungan ang mga Bible study mo na dumalo sa pulong? Lagi silang imbitahang dumalo. Ipapanood sa kanila ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall? Ipaliwanag sa kanila kung bakit mahalagang dumalo sa pulong. (lff aralin 10) Puwede mong ikuwento ang isang punto na natutuhan mo sa pulong o sabihin ang mga puwede nilang abangan sa susunod na pulong. Bigyan ang mga Bible study mo ng mga publikasyong pag-aaralan sa pulong. Magbigay rin ng praktikal na tulong. Baka kailangan nila ng masasakyan. Sulit ang lahat ng pagsisikap mo kapag tinulungan mo ang mga Bible study mo na dumalo sa pulong sa unang pagkakataon.​—1Co 14:24, 25.

PANOORIN ANG VIDEO NA TULUNGAN ANG IYONG MGA BIBLE STUDY NA DUMALO NG MGA PULONG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Eksena mula sa video na “Tulungan ang Iyong mga Bible Study na Dumalo ng mga Pulong.” Iniimbitahan ni Neeta si Joy na dumalo ng pulong.

    Anong pagkakataon ang sinamantala ni Neeta para imbitahan si Joy na dumalo sa pulong?

  • Eksena mula sa video na “Tulungan ang Iyong mga Bible Study na Dumalo ng mga Pulong.” Nginingitian ni Neeta si Joy na nakaupo sa tabi niya sa pulong.

    Bakit masaya tayo kapag dumalo ang isang Bible study sa pulong?

  • Eksena mula sa video na “Tulungan ang Iyong mga Bible Study na Dumalo ng mga Pulong.” Binabati ng mga sister si Joy pagkatapos ng pulong.

    “Talagang nasa gitna ninyo ang Diyos”

    Ano ang naramdaman ni Joy sa unang pagdalo niya sa pulong?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share