Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w22 Disyembre p. 28-30
  • Handa Ka Na Bang ‘Manahin ang Lupa’?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Handa Ka Na Bang ‘Manahin ang Lupa’?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • HANDA KA NA BANG PANGASIWAAN ANG LUPA?
  • HANDA KA NA BANG TUMULONG SA MGA BUBUHAYING MULI?
  • HANDA KA NA BANG MAGTURO SA MGA BUBUHAYING MULI?
  • Magkakaroon ng Pagkabuhay-Muli!
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Pagkabuhay-Muli—Ukol Kanino, at Saan?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Sino ang Bubuhaying Muli? Saan Sila Titira?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Ano ang Pagkabuhay-Muli?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
w22 Disyembre p. 28-30
Mga taong pinapaganda ang lupa para gawin itong paraiso. May nagtatanggal ng mga basura, ang iba ay nagtatayo ng mga bahay, at ang iba naman ay nagtatanim.

Handa Ka Na Bang ‘Manahin ang Lupa’?

GUSTONG-GUSTO na nating makita na natutupad ang pangako ni Jesus: “Maligaya ang mga mahinahon, dahil mamanahin nila ang lupa.” (Mat. 5:5) Mamanahin ng mga pinahiran ang lupa kapag naging hari na sila kasama ni Jesus sa langit. (Apoc. 5:10; 20:6) Ang karamihan sa mga tunay na Kristiyano ngayon ay nasasabik nang mabuhay magpakailanman dito sa lupa. Magiging perpekto sila, masaya, at mamumuhay nang payapa. Para maging posible iyan, marami silang kailangang gawin. Tatalakayin natin ang tatlo sa mga ito: pangangasiwa sa lupa, pagtulong sa mga bubuhaying muli, at pagtuturo sa kanila. Tatalakayin din natin kung paano mo maipapakita ngayon pa lang na gusto mong gawin ang mga bagay na ito sa bagong sanlibutan.

HANDA KA NA BANG PANGASIWAAN ANG LUPA?

Nang utusan ni Jehova ang mga tao na “punuin . . . ang lupa at pangasiwaan iyon,” ipinapakita niya na magiging paraiso ang buong lupa. (Gen. 1:28) Kailangan ding sundin ng mga mabubuhay magpakailanman sa lupa ang utos na iyan. Pero sa simula, hindi pa paraiso ang lupa kasi wala na ang hardin ng Eden. Pagkatapos ng Armagedon, marami tayong gagawin para linisin ang ilang bahagi ng lupa na nasira. Napakalaking gawain nga iyan!

Maaalala natin dito ang mga kailangang gawin ng mga Israelita nang bumalik sila sa kanilang lupain mula sa Babilonya. Pitumpung taóng walang nakatira sa lupain nila. Pero inihula ni Isaias na sa tulong ni Jehova, mapapaganda nila uli ang lupaing iyon. Sinasabi ng hula: “Gagawin Niyang tulad ng Eden ang kaniyang ilang at tulad ng hardin ni Jehova ang kaniyang tigang na kapatagan.” (Isa. 51:3) Nagawa iyon ng mga Israelita. Sa tulong din ni Jehova, magagawa ng mga magmamana ng lupa na gawing paraiso ang lupang ito. At may magagawa ka ngayon pa lang para ipakita na gusto mong makibahagi sa gawaing iyon.

Ang isang paraan ay kung papanatilihin mong malinis at maayos ang bahay at paligid mo. Magagawa mo iyan kahit hindi malinis ang mga kapitbahay mo. Puwede ka ring tumulong sa paglilinis at pagmamantini ng inyong Kingdom Hall at Assembly Hall. Kung nasa kalagayan ka, puwede ka ring magboluntaryo para tumulong sa mga biktima ng sakuna. Ipinapakita niyan na handa kang tumulong sa mga kapatid na nangangailangan. Tanungin ang sarili, ‘Puwede kaya akong matuto ng mga kasanayan na magagamit ko kung isa ako sa magmamana ng lupa?’

Grupo ng mga kapatid na naglilinis at nagmamantini ng Kingdom Hall.

HANDA KA NA BANG TUMULONG SA MGA BUBUHAYING MULI?

Matapos buhaying muli ni Jesus ang anak na babae ni Jairo, sinabi niya na bigyan ito ng makakain. (Mar. 5:42, 43) Hindi naman mahirap asikasuhin ang 12-taóng-gulang na batang babae. Pero isipin ang mga kailangang gawin kapag tinupad na ni Jesus ang pangako niya na ang “lahat ng nasa mga libingan ay makaririnig sa tinig niya at mabubuhay silang muli.” (Juan 5:28, 29) Hindi sinasabi ng Bibliya ang lahat ng detalye, pero mai-imagine natin na mangangailangan ng tirahan, mga pagkain, at damit ang mga bubuhaying muli. Maipapakita mo ba ngayon pa lang na handa kang tumulong? Puwede mong pag-isipan ang mga tanong na ito.

Ano ang puwede mong gawin ngayon pa lang para maipakitang handa ka nang manahin ang lupa?

Mga kapatid na masayang sinasalubong sa airport ng Paris ang mga delegado ng internasyonal na kombensiyon.

Kapag ipinatalastas sa kongregasyon ninyo na dadalaw ang tagapangasiwa ng sirkito, nagpiprisinta ka ba para magkaiskedyul sa pagpapakain? Kapag may mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod gaya ng Bethelite na ma-reassign sa kongregasyon ninyo, o ng isang tagapangasiwa ng sirkito na hihinto na sa gawaing paglalakbay, matutulungan mo kaya sila na makahanap ng tirahan? Kapag may panrehiyon o espesyal na kombensiyon sa lugar ninyo, puwede ka bang magboluntaryo para tumulong bago o pagkatapos ng kombensiyon, o tumulong sa pagtanggap sa mga delegado?

HANDA KA NA BANG MAGTURO SA MGA BUBUHAYING MULI?

Inaasahan natin na bilyon-bilyon ang bubuhaying muli ayon sa Gawa 24:15. Marami sa kanila ang hindi nagkaroon ng pagkakataon na makilala si Jehova. Kapag binuhay silang muli, magkakaroon sila ng pagkakataong ito.a Makikibahagi sa gawaing pagtuturo ang tapat at makaranasang mga lingkod ng Diyos. (Isa. 11:9) Si Charlotte, na nakapangaral na sa Europe, South America, at Africa, ay nasasabik nang makibahagi sa gawaing iyon. Sinabi niya: “Excited na akong turuan ang mga tao na bubuhaying muli. Kapag may nababasa ako tungkol sa isang tao na nabuhay noon, madalas kong maisip: ‘Kung nakilala lang sana ng taong ito si Jehova, ibang-iba sana ang naging buhay niya.’ Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanila na kung nakilala lang nila si Jehova at napaglingkuran siya, mas maganda sana ang naging buhay nila.”

Marami pang dapat matutuhan kahit ang mga tapat na lingkod ni Jehova na nabuhay bago bumaba si Jesus sa lupa. Isa ngang pribilehiyo na maturuan sila! Isip-isipin kung gaano kasaya na ipaliwanag kay Daniel ang katuparan ng mga hulang isinulat niya pero hindi niya naintindihan. (Dan. 12:8) Maituturo din natin kina Ruth at Noemi na kasama ang pamilya nila sa talaangkanan ng Mesiyas. Napakasaya ngang makibahagi sa programang iyon ng pagtuturo sa buong mundo, na walang impluwensiya at panggambala ng kasalukuyang masamang sanlibutan!

Sister na nagbibigay ng tract sa isang babae sa isang komersiyal na labahan.

Paano mo maipapakita ngayon na handa ka nang makibahagi sa programang iyan? Sikapin mong maging mas mahusay na tagapagturo at regular na makibahagi sa gawaing pangangaral. (Mat. 24:14) Kahit limitado lang ang nagagawa mo ngayon dahil sa edad o kalagayan mo, makikita sa mga pagsisikap mo na handa kang turuan ang mga bubuhaying muli.

Oo, mahalagang pag-isipan ang mga tanong na ito: Talaga bang gustong-gusto mo nang manahin ang lupa? Nasasabik ka na bang pangasiwaan ang lupa? Nasasabik ka na rin bang tulungan at turuan ang mga bubuhaying muli? Maipapakita mong handa ka kung ngayon pa lang, sasamantalahin mo nang makibahagi sa mga gawaing katulad ng gagawin mo kapag minana mo na ang lupa!

a Tingnan ang artikulong “Pag-akay sa Marami Tungo sa Katuwiran” sa Bantayan, Setyembre 2022.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share