Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp23 Blg. 1 p. 5
  • Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2023
  • Kaparehong Materyal
  • Tulong Mula sa ‘Diyos ng Kaaliwan’
    Gumising!—2009
  • Gusto Ko Nang Mamatay—Matutulungan Ba Ako ng Bibliya Kapag Naiisip Ko Ito?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Makakatulong Ba Talaga sa Akin ang Sinasabi ng Bibliya?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Nangangako ang Diyos ng Perpektong Mental na Kalusugan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2023
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2023
wp23 Blg. 1 p. 5
Kabataang lalaki na nagbabasa ng Bibliya sa sahig sa tabi ng kama niya.

Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo

NASA Bibliya ang pinakamagagandang payo dahil galing ito sa Diyos. Hindi ito aklat na pangkalusugan, pero makakatulong ito sa praktikal na paraan para maharap ang mahihirap na sitwasyon, magulong pag-iisip, negatibong emosyon, at nakaka-stress na mga problema sa pisikal at mental na kalusugan.

Higit sa lahat, tinitiyak sa atin ng Bibliya na wala nang mas nakakaintindi sa ating iniisip at nararamdaman kaysa sa ating Maylalang, ang Diyos na Jehova.a Gustong-gusto niya tayong tulungang makayanan ang mga problema natin. Tingnan natin ang dalawang nakakapagpatibay na teksto sa Bibliya:

“Si Jehova ay malapit sa mga may pusong nasasaktan; inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.”​—AWIT 34:18.

“Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa kanang kamay mo, ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’”​—ISAIAS 41:13.

Pero paano tayo tinutulungan ni Jehova na makayanan ang mga problema sa mental na kalusugan? Gaya ng makikita mo sa susunod na mga artikulo, talagang nagmamalasakit sa atin si Jehova sa maraming paraan.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.​—Awit 83:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share