Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w25 Nobyembre p. 30
  • Tulong Para sa mga Babaeng Nakaranas ng Pang-aabuso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulong Para sa mga Babaeng Nakaranas ng Pang-aabuso
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Kaparehong Materyal
  • Proteksiyon Para sa Kababaihan—Ang Sinasabi ng Bibliya
    Iba Pang Paksa
  • Gamitin ang jw.org sa Ministeryo​—“Maging Kaibigan ni Jehova”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Mga Babaing Lubhang Nagpapagal sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Tip sa Pag-aaral
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
w25 Nobyembre p. 30
Isang sister na inaabutan ang isang babae ng tract na “Proteksiyon Para sa Kababaihan​—Ang Sinasabi ng Bibliya.”

Tulong Para sa mga Babaeng Nakaranas ng Pang-aabuso

“SA BUONG mundo, napakaraming babae at batang babae ang nakaranas ng pang-aabuso. Isa ka ba sa kanila? Alamin kung bakit mahalaga sa Diyos na maprotektahan ka at kung ano ang gagawin niya sa pang-aabuso sa kababaihan.”

Iyan ang unang mababasa sa artikulong “Proteksiyon Para sa Kababaihan—Ang Sinasabi ng Bibliya” na nasa jw.org. Sa dulo ng artikulong iyon, may link na puwede mong i-click para mai-download ang printable version ng artikulong iyon. At kapag nai-print mo na ang artikulo, puwede mo itong itupi para maging isang tract na may apat na pahina. Ganiyan ang ginawa ni Stacy, isang sister mula sa United States. Sinabi niya: “Nag-print ako ng mga kopya ng artikulong iyon. Pagkatapos, sinamahan ako ng isang sister na ibigay ang mga iyon sa isang women’s shelter sa teritoryo ng kongregasyon namin.”

Nagtanong ang isang empleyado doon kung puwede pa siyang makahingi ng mga kopya ng tract para ibigay sa mga nakatira sa shelter. Kaya nagbigay pa ang mga sister ng 40 tract at 30 jw.org contact card. Tinanong din ng administrator ng shelter kung puwedeng ipakita ng mga sister sa mga babaeng nakatira doon kung paano ginagawa ang Bible study.

Pumunta rin sa ibang shelter si Stacy kasama ang dalawa pang sister. Nakapagbigay sila ng limang kopya ng tract, at nanghingi pa ang mga nandoon ng dagdag na kopya. Sinabi ng isang empleyado sa shelter na iyon: “Malaking tulong ang pamphlet na ito para sa mga babaeng nakatira dito. . . . Kailangang-kailangan namin ito.” Nang bumalik ulit ang mga sister, ipinakita rin nila kung paano ginagawa ang Bible study. May ilang nagpunta para makita iyon, at may dalawang nagsabi na gusto nilang dumalo sa susunod na pulong sa weekend.

Ikinuwento ni Stacy: “Talagang natutuwa kami kasi nagustuhan ng mga tao ang napakagandang artikulong ito. Magandang ibigay ang tract version nito para masabi natin ang mensahe ng Kaharian sa mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso. Nakaka-touch makita kung paano nila tinatanggap ang impormasyong nasa tract na ito. At excited kaming makita kung paano pagpapalain ni Jehova ang mga pagsisikap namin na matulungan pa sila.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share