Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb14 p. 78-81
  • Sierra Leone at Guinea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sierra Leone at Guinea
  • 2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb14 p. 78-81
Buong-pahinang larawan sa pahina 78, 79

Sierra Leone at Guinea

MGA 500 taon na ang nakakaraan, isang maliit na puno ng bulak ang tumubo malapit sa bukana ng Sierra Leone River. Sa loob ng 300 taon, nasaksihan ng punong ito ang isang kalunus-lunos na prusisyon. Ipinagbili ng walang-pusong mga mangangalakal ang halos 150,000 lalaki, babae, at mga bata para gawing alipin sa ibang mga bansa.

Larawan sa pahina 81

Ang makasaysayang Cotton Tree sa Freetown

Noong Marso 11, 1792, daan-daang pinalayang alipin mula sa Amerika ang nagtipon sa ilalim ng Cotton Tree para ipagdiwang ang kanilang repatriasyon sa Aprika. Itinatag nila nang araw na iyon ang isang pamayanan na kumakatawan sa kanilang pinakaaasam na pangarap​—Freetown. Patuloy ang pagdating ng pinalayang mga alipin hanggang sa mahigit 100 grupo na ng mga Aprikano ang naninirahan sa pamayanan. Para sa mga bagong mamamayang ito, ang Cotton Tree ay kanilang simbolo ng kalayaan at pag-asa.

Sa loob ng halos 100 taon, inaaliw ng mga Saksi ni Jehova sa Sierra Leone ang kanilang kapuwa ng isang mas nakahihigit na kalayaan​—ang “maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (Roma 8:21) Ang kalayaang ito ay nangangahulugan ng pagpapalaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan kapag naibalik na ng Mesiyanikong Kaharian ng Diyos ang kapayapaan at Paraiso sa lupa.​—Isa. 9:6, 7; 11:6-9.

Sa nakalipas na 50 taon, pinangangasiwaan din ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Sierra Leone ang gawaing pangangaral sa Guinea. Ang kalapít na bansang ito ay nakakaranas ng kaguluhan sa pulitika, lipunan, at ekonomiya kaya marami sa mamamayan nito ang tumatanggap sa mensahe ng Bibliya.

Ang mga Saksi ni Jehova sa Sierra Leone at Guinea ay naghahayag ng mabuting balita sa kabila ng maraming balakid. Kasama rito ang matinding kahirapan, mahigpit na panghahawakan sa mga tradisyon, etnikong pagkakabaha-bahagi, at kakila-kilabot na karahasan. Marami rin ang hindi marunong bumasa at sumulat. Pinatutunayan ng sumusunod na ulat ang di-natitinag na pananampalataya at debosyon ng mga tapat na lingkod na ito ni Jehova. Tiyak na ang kanilang kuwento ay aantig sa inyong puso at magpapatibay sa inyong pananampalataya sa “Diyos na nagbibigay ng pag-asa.”​—Roma 15:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share