Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb16 p. 82-p. 85 par. 5
  • Maikling Impormasyon Tungkol sa Indonesia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maikling Impormasyon Tungkol sa Indonesia
  • 2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb16 p. 82-p. 85 par. 5

INDONESIA

Maikling Impormasyon Tungkol sa Indonesia

Lupain Nasa kahabaan ng ekwador sa pagitan ng Australia at kontinente ng Asia. Ito ang bansang may pinakamaraming isla. Karamihan sa mahigit 17,500 isla nito ay bulubundukin at may makakapal na kagubatan. Dahil sa mahigit 100 aktibong bulkan, ito ang rehiyong may pinakamaraming pagsabog ng bulkan.

Babaeng Indonesian na nagsusuot ng tradisyonal na dekorasyon sa ulo

Mamamayan Ang Indonesia ang ikaapat sa may pinakamalaking populasyon sa daigdig (kasunod ng China, India, at Estados Unidos). May mahigit 300 etnikong grupo rito. Mahigit kalahati ng populasyon ay Javanese at Sundanese.

Relihiyon Halos 90 porsiyento ng mga taga-Indonesia ay Muslim. Ang natitirang mga 10 porsiyento ay Hindu, Budista, o tinatawag na Kristiyano. Marami rin ang sumusunod sa katutubong relihiyosong kaugalian.

Wika Mahigit 700 ang wika sa buong bansa. Indonesian, na halaw sa Malay, ang karaniwang wika. Pero karamihan ay may sarili ring diyalekto.

Nakatuhog na mga karne

Kabuhayan Marami ay magsasaka o nagnenegosyo. Mayaman ang bansa sa mineral, kahoy, langis, at natural gas. Isa rin itong pangunahing supplier ng goma at palm oil.

Pagkain Kanin ang pangunahing pagkain. Popular ang mga putaheng nasi goréng (sinangag at itlog na may gulay), satay (inihaw na karneng nakatuhog), at gado-gado (salad na may peanut sauce).

Klima Mainit at maalinsangan. Dahil sa hanging habagat at amihan, may dalawang panahon​—tag-ulan at tag-init. Karaniwan ang malalakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.

LUPAIN (kilometro kuwadrado)

1,910,931

POPULASYON

256,000,000

MAMAMAHAYAG NOONG 2015

26,246

RATIO, 1 MAMAMAHAYAG SA BAWAT

9,754

DUMALO SA MEMORYAL NOONG 2015

55,864

Mapa ng Indonesia
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share