Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb16 p. 97-p. 99 par. 2
  • Mga Paraan ng Pangangaral Noon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Paraan ng Pangangaral Noon
  • 2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Subtitulo
  • Pagbobrodkast sa Radyo
  • Ang Lightbearer
2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb16 p. 97-p. 99 par. 2
Ang 16-na-metrong bangkang Lightbearer

INDONESIA

Mga Paraan ng Pangangaral Noon

Pagbobrodkast sa Radyo

Tower para sa radio broadcasting

NOONG 1933, isinaayos ng mga kapatid na maibrodkast sa istasyon ng radyo sa Jakarta ang Ingles na rekording ng mga lektyur ni Brother Rutherford. May mga lektyur din sa wikang Dutch na binabasa naman sa radyo ng isang lalaking interesado sa katotohanan. Dahil dito, napakarami ang naging interesado at maraming naipamahaging literatura ang mga kapatid.

Nang ibrodkast sa radyo ang mapuwersang lektyur ni Brother Rutherford na “Effect of Holy Year on Peace and Prosperity,” nagalit ang klerong Katoliko.a Pinakilos nila ang kanilang mga tauhan para kasuhan ng “paninirang-puri, panlalait, at panggugulo” si Brother De Schumaker, ang nagsuplay ng rekording. Buong-tapang na dumepensa si Brother De Schumaker, pero pinagmulta pa rin siya ng 25 guilderb at pinagbayad ng mga gastos sa korte. Ibinalita ng tatlong pangunahing pahayagan ang paglilitis, kaya mas malaking patotoo ang naibigay.

Ang Lightbearer

Noong Hulyo 15, 1935, ang 16-na-metrong bangka ng Watch Tower Society, na Lightbearer, ay nakarating sa Jakarta matapos maglayag nang anim na buwan para mangaral mula Sydney, Australia. Sakay nito ang pitong masisigasig na payunir na determinadong ipangaral ang mabuting balita sa Indonesia, Singapore, at Malaysia.

Sa loob ng mahigit dalawang taon, ang mga payunir sa Lightbearer ay dumalaw sa mga daungan sa Indonesia at nakapamahagi ng napakaraming literatura sa Bibliya. Habang papasók ang bangka sa maliliit na daungan, “pinatutugtog ng crew sa transcription machine ang isang lektyur ni J. F. Rutherford, ang presidente noon ng Watch Tower Society,” ang sabi ni Jean Deschamp. “Manghang-mangha ang mga Malay sa liblib na nayon nang makita nilang dumarating ang isang malaking bangka at may naririnig silang malakas na boses mula rito. Para silang nakakita ng spaceship.”

Dahil sa walang-takot na pagpapatotoo ng mga kapatid, nagalit ang klero at ginipit ang mga awtoridad na ipagbawal ang Lightbearer sa maraming daungan sa Indonesia. Noong Disyembre 1937, bumalik sa Australia ang Lightbearer. Pero isang napakagandang rekord ng gawaing pangangaral ang iniwan nito sa Indonesia.

Mga crew sa Lightbearer

Mga crew ng Lightbearer

a Ibinunyag sa lektyur ni Brother Rutherford ang huwad na mga turo ng Simbahang Romano Katoliko pati na ang tiwaling pakikipag-ugnayan nito sa politika at komersiyo.

b Mga $300 (U.S.) sa ngayon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share