Job
25 At si Bildad+ na Shuhita ay sumagot at nagsabi:
2 “Pamamahala at panghihilakbot ay sumasakaniya;+
Gumagawa siya ng kapayapaan sa kaniyang kaitaasan.
3 Mayroon bang bilang ang kaniyang mga pulutong?
At kanino hindi sumisikat ang kaniyang liwanag?
4 Kaya paanong malalagay sa tama ang taong mortal sa harap ng Diyos,+
O paanong magiging malinis ang isang ipinanganak ng isang babae?+
5 Narito! May buwan nga, at hindi ito maliwanag;
At ang mga bituin man ay hindi malinis sa kaniyang paningin.