Job
26 At si Job ay sumagot at nagsabi:
2 “O anong laki ng naitulong mo sa isa na walang kapangyarihan!
O gayon na lamang ang pagliligtas mo sa isang bisig na walang lakas!+
3 Anong laki ng naipayo mo sa isa na walang karunungan,+
At ipinaalam mo sa karamihan ang praktikal na karunungan!
4 Kanino ka nagsabi ng mga salita,
At kaninong hininga ang lumabas mula sa iyo?
5 Yaong mga inutil sa kamatayan ay patuloy na nanginginig
Sa ilalim ng tubig at niyaong mga tumatahan doon.+
7 Iniuunat niya ang hilaga sa ibabaw ng dakong walang laman,+
Na ibinibitin ang lupa sa wala;
8 Ibinabalot ang tubig sa kaniyang mga ulap,+
Anupat ang kaulapan ay hindi nabibiyak sa ilalim nito;
9 Pinalilibutan ang harap ng trono,
Inilulukob ang kaniyang ulap sa ibabaw niyaon.+
11 Ang mismong mga haligi ng langit ay yumayanig,
At sila ay namamangha dahil sa kaniyang pagsansala.
12 Sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinukaw niya ang dagat,+
At sa pamamagitan ng kaniyang unawa ay pinagdurug-durog+ niya ang mananalakay.+