Job
35 At si Elihu ay patuloy na sumagot at nagsabi:
2 “Ito ba ang itinuturing mo na katarungan?
Sinabi mo, ‘Ang aking katuwiran ay higit kaysa sa Diyos.’+
3 Sapagkat sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?+
Ano ang pakinabang ko na higit kaysa sa aking pagkakasala?’+
5 Tumingala ka sa langit+ at tingnan mo,
At masdan mo ang mga ulap,+ na ang mga iyon ay talagang mas mataas kaysa sa iyo.
6 Kung magkakasala ka nga, ano ang nagawa mo laban sa kaniya?+
At kung dumami nga ang iyong mga pagsalansang, ano ang nagagawa mo sa kaniya?
7 Kung ikaw ay talagang nasa tama, ano ang ibinibigay mo sa kaniya,
O ano ang tinatanggap niya mula sa iyong kamay?+
8 Ang iyong kabalakyutan ay maaaring laban sa isang tao na tulad mo,+
At ang iyong katuwiran sa isang anak ng makalupang tao.+
9 Dahil sa dami ng paniniil ay lagi silang humihingi ng saklolo;+
Lagi silang humihingi ng tulong dahil sa bisig ng mga dakila.+
10 Gayunman ay walang sinumang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos na aking Dakilang Maylikha,+
Ang Isa na nagbibigay ng mga awitin sa gabi?’+
11 Siya ang Isa na nagtuturo+ sa atin nang higit kaysa sa mga hayop sa lupa,+
At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga lumilipad na nilalang sa langit.
13 Ang kabulaanan lamang ang hindi dinirinig ng Diyos,+
At hindi iyon minamasdan+ ng Makapangyarihan-sa-lahat.
14 Gaano pa kaya kapag sinasabi mong hindi mo siya nakikita!+
Ang usapin sa batas ay nasa harap niya, kung kaya dapat mo siyang hintayin nang may pagkabalisa.+