Job
36 At sinabi pa ni Elihu:
2 “Pagtiisan mo ako nang kaunti pa, at ipahahayag ko sa iyo
Na mayroon pang mga salitang masasabi para sa Diyos.
3 Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo,
At sa aking Manghuhubog ay magpapatungkol ako ng katuwiran.+
4 Sapagkat sa katunayan ay hindi kabulaanan ang aking mga salita;
Ang Isa na sakdal sa kaalaman+ ay sumasaiyo.
5 Narito! Ang Diyos ay makapangyarihan+ at hindi magtatakwil;
Siya ay makapangyarihan sa kalakasan ng puso;
6 Hindi niya iingatang buháy ang sinumang balakyot,+
Ngunit ibibigay niya ang kahatulan ng mga napipighati.+
7 Hindi niya aalisin ang kaniyang mga mata mula sa sinumang matuwid;+
Maging ang mga hari sa trono+—
Iuupo rin niya sila magpakailanman, at sila ay itataas.
9 Kung gayon ay sasabihin niya sa kanila ang tungkol sa kanilang paggawi
At ang kanilang mga pagsalansang, sapagkat sila ay nagpapalalo.
10 At bubuksan niya ang kanilang pandinig sa payo,+
At sasabihin niya na dapat nilang talikuran ang bagay na nakasasakit.+
11 Kung susunod sila at maglilingkod,
Tatapusin nila sa kabutihan ang kanilang mga araw
At sa kaigayahan+ ang kanilang mga taon.
12 Ngunit kung hindi sila susunod, mamamatay sila+ sa pamamagitan nga ng suligi,+
At papanaw sila nang walang kaalaman.
13 At yaong mga apostata sa puso ay magbubunton ng galit.+
Hindi sila dapat humingi ng tulong dahil iginapos niya sila.
14 Ang kanilang kaluluwa ay mamamatay sa kabataan,+
At ang kanilang buhay sa gitna ng mga lalaking patutot sa templo.+
15 Ililigtas niya ang napipighati sa kaniyang kapighatian,
At bubuksan niya ang kanilang pandinig sa paniniil.
16 At tiyak na hihikayatin ka rin niya mula sa bibig ng kabagabagan!+
Mas maluwang na espasyo,+ hindi kagipitan, ang mapapasadako nito,
At ang kaaliwan ng iyong mesa ay mapupuno ng katabaan.+
17 Mapupuno ka nga ng hudisyal na hatol sa balakyot;+
Ang hudisyal na hatol at katarungan ang hahawak.
18 Sapagkat mag-ingat ka na hindi ka mahikayat ng pagngangalit+ sa imbing pagpalakpak,
At huwag ka nawang iligaw ng malaking pantubos.+
19 Magkakabisa ba ang paghingi mo ng tulong?+ Hindi, ni sa kabagabagan man
Maging ang lahat ng iyong buong-lakas na pagsisikap.+
20 Huwag mong masidhing nasain ang gabi,
Na ang mga tao ay bumalik mula sa kanilang kinaroroonan.
21 Mag-ingat ka na hindi ka bumaling sa bagay na nakasasakit,+
Sapagkat ito ang pinili mo sa halip na kapighatian.+
22 Narito! Ang Diyos ay kumikilos nang maluwalhati sa kaniyang kapangyarihan;
Sino ang tagapagturong tulad niya?
23 Sino ang tumawag sa kaniya upang ipakipagsulit ang kaniyang daan,+
At sino ang nagsabi, ‘Nakagawa ka ng kalikuan’?+
26 Masdan mo! Ang Diyos ay higit na dakila kaysa sa makakaya nating alamin;+
Ang bilang ng kaniyang mga taon ay hindi masasaliksik.+
27 Sapagkat pinaiilanlang niya ang mga patak ng tubig;+
Ang mga iyon ay nasasala bilang ulan para sa kaniyang manipis na ulap,
28 Anupat ang mga ulap ay pumapatak,+
Ang mga iyon ay tumutulo nang sagana sa sangkatauhan.
30 Narito! Pinalalaganap niya sa ibabaw nito ang kaniyang liwanag,+
At ang mga ugat ng dagat ay tinatakpan niya.
31 Sapagkat sa pamamagitan ng mga iyon ay ipinagtatanggol niya ang usapin ng mga bayan;+
Nagbibigay siya ng saganang pagkain.+