Job
38 At sinagot ni Jehova si Job mula sa buhawi+ at nagsabi:
2 “Sino itong nagpapalabo ng payo
Sa pamamagitan ng mga salitang walang kaalaman?+
3 Bigkisan mo ang iyong mga balakang, pakisuyo, tulad ng isang matipunong lalaki,
At tatanungin kita, at magsabi ka sa akin.+
5 Sino ang nagtakda ng mga sukat niyaon, kung alam mo,
O sino ang nag-unat ng pising panukat sa ibabaw niyaon?
6 Sa ano ibinaon ang may-ukit na mga tuntungan+ niyaon,
O sino ang naglatag ng batong-panulok niyaon,
7 Nang magkakasamang humiyaw nang may kagalakan ang mga bituing pang-umaga,+
At nang sumigaw sa pagpuri ang lahat ng mga anak ng Diyos?+
8 At sino ang nagharang ng mga pinto sa dagat,+
Na nagsimulang humugos na gaya ng pagsambulat mula sa bahay-bata;
9 Nang ilagay ko ang ulap bilang kasuutan niyaon
At ang makapal na karimlan bilang pambilot na tali niyaon,
10 At itinatag ko roon ang aking tuntunin
At naglagay ako ng halang at mga pinto,+
11 At sinabi ko, ‘Hanggang dito ka makararating, at hindi na lalagpas pa;+
At dito ang hangganan ng iyong mga palalong alon’?+
12 Inutusan mo ba ang umaga mula nang iyong mga araw?+
Ipinaalam mo ba sa bukang-liwayway ang kaniyang dako,
14 Ito ay nagbabagong tulad ng luwad+ sa ilalim ng pantatak,
At ang mga bagay ay lumalagay sa kanilang dako gaya ng sa damit.
16 Nakaparoon ka ba sa mga bukal ng dagat,
O sa paghahanap sa matubig na kalaliman+ ay nakalibot ka ba?+
17 Nalantad ba sa iyo ang mga pintuang-daan ng kamatayan,+
O nakikita mo ba ang mga pintuang-daan ng matinding karimlan?+
18 Napag-isipan mo ba nang may katalinuhan ang malalawak na dako ng lupa?+
Sabihin mo, kung nalalaman mong lahat.
19 Nasaan nga ang daan patungo sa tinatahanan ng liwanag?+
Kung tungkol sa kadiliman, nasaan nga ang dako nito,
20 Upang iyon ay madala mo sa hangganan nito
At upang maunawaan mo ang mga landas patungo sa bahay nito?
21 Nalalaman mo ba dahil nang panahong iyon ay ipinanganganak ka,+
At dahil ang bilang ng iyong mga araw ay marami?
22 Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe,+
O nakikita mo ba maging ang mga imbakan ng graniso,+
23 Na pinipigilan ko para sa panahon ng kabagabagan,
Para sa araw ng labanan at digmaan?+
24 Saan nga dumaraan ang liwanag kapag iyon ay nangangalat,
At ang hanging silangan+ kapag lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
25 Sino ang humukay ng lagusan para sa baha
At ng daan para sa makulog na kaulapang-bagyo,+
26 Upang magpaulan sa lupain na walang tao,+
Sa ilang na walang makalupang tao,
27 Upang bigyang-kasiyahan ang mga dakong binabagyo at tiwangwang
At upang patubuin ang sibol ng damo?+
29 Sa kaninong tiyan nga lumalabas ang yelo,
At kung tungkol sa nagyelong hamog+ mula sa langit, sino nga ang nanganganak nito?
31 Maitatali mo bang mahigpit ang mga bigkis ng konstelasyon ng Kima,
O makakalag mo ba ang mga panali ng konstelasyon ng Kesil?+
32 Mailalabas mo ba ang konstelasyon ng Mazarot sa takdang panahon niyaon?
At kung tungkol sa konstelasyon ng Ash kasama ng mga anak nito, mapapatnubayan mo ba ang mga iyon?
35 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat upang yumaon sila
At magsabi sa iyo, ‘Narito kami!’?
36 Sino ang naglagay ng karunungan+ sa mga suson ng ulap,
O sino ang nagbigay ng pagkaunawa+ sa kababalaghan sa kalangitan?
37 Sino ang may-kawastuang makabibilang ng mga ulap nang may karunungan,
O ang mga pantubig na banga sa langit—sino ang makapagtatagilid ng mga iyon,+
38 Kapag ang alabok ay bumubuhos na waring isang binubong masa,
At ang mga kimpal ng lupa ay nagkakadikit-dikit?