Awit
Isang awit. Awitin ni David.
108 Ang aking puso ay matatag, O Diyos.+
Ako ay aawit at aawit ng papuri,+
Ang akin ngang kaluwalhatian.+
3 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+
At aawit ako sa iyo sa gitna ng mga liping pambansa.+
4 Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay dakila hanggang sa langit,+
At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.+
5 O maging dakila ka nawa sa ibabaw ng langit, O Diyos;+
At mapasaibabaw nawa ng buong lupa ang iyong kaluwalhatian.+
6 Upang ang iyong mga minamahal ay masagip,+
O magligtas ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo ako.+
7 Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan:+
“Ako ay magbubunyi, ibibigay ko ang Sikem+ bilang isang bahagi;+
At ang mababang kapatagan ng Sucot+ ay susukatin ko.
8 Ang Gilead+ ay sa akin; ang Manases+ ay sa akin;
At ang Efraim ay tanggulan ng aking pangulo;+
Ang Juda ay aking baston ng kumandante.+
10 Sino ang magdadala sa akin sa nakukutaang lunsod?+
Sino nga ba ang papatnubay sa akin hanggang sa Edom?+
11 Hindi ba ikaw, O Diyos, na siyang nagtakwil sa amin+
At siyang hindi lumalabas na kasama ng aming mga hukbo bilang Diyos?+