Awit
IKALIMANG AKLAT
107 O magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti;+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+
2 Sabihin iyon ng mga binawi ni Jehova,+
Na binawi niya mula sa kamay ng kalaban,+
3 At tinipon niya mula sa mga lupain,+
Mula sa sikatan ng araw at mula sa lubugan ng araw,+
Mula sa hilaga at mula sa timog.+
4 Gumala-gala sila sa ilang,+ sa disyerto;+
Wala silang nasumpungang daang patungo sa isang lunsod na matitirhan.+
6 At patuloy silang dumaing kay Jehova sa kanilang kabagabagan;+
Hinango niya sila mula sa mga kaigtingan na sumasakanila,+
7 At pinalakad sila sa tamang daan,+
Upang makarating sa isang lunsod na matitirhan.+
8 O magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan+
At dahil sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa sa mga anak ng mga tao.+
9 Sapagkat binigyang-kasiyahan niya ang tuyot na kaluluwa;+
At ang gutóm na kaluluwa ay binusog niya ng mabubuting bagay.+
11 Sapagkat gumawi sila nang mapaghimagsik+ laban sa mga pananalita ng Diyos;+
At ang payo ng Kataas-taasan ay winalang-galang nila.+
12 Kaya sinupil niya ang kanilang puso sa pamamagitan ng kabagabagan;+
Natisod sila, at walang sinumang tumutulong.+
13 At humiling sila ng tulong kay Jehova sa kanilang kabagabagan;+
Iniligtas niya sila mula sa kanilang mga kaigtingan gaya ng dati.+
15 O magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan+
At dahil sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa sa mga anak ng mga tao.+
17 Yaong mga mangmang, dahil sa paraan ng kanilang pagsalansang+
At dahil sa kanilang mga kamalian, ay nagpangyari sa wakas ng kapighatian sa kanilang sarili.+
18 Kinasuklaman ng kanilang kaluluwa ang bawat uri nga ng pagkain,+
At dumating sila sa mga pintuang-daan ng kamatayan.+
19 At nagsimula silang humiling kay Jehova ng tulong sa kanilang kabagabagan;+
Iniligtas niya sila mula sa kanilang mga kaigtingan gaya ng dati.+
20 Isinugo niya ang kaniyang salita at pinagaling sila+
At naglaan sa kanila ng pagtakas mula sa kanilang mga hukay.+
21 O magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan+
At dahil sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa sa mga anak ng mga tao.+
22 At maghandog sila ng mga hain ng pasasalamat+
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may hiyaw ng kagalakan.+
23 Yaong mga bumababa sa dagat sa mga barko,+
Na nangangalakal sa malalawak na tubig,+
24 Sila ang mga nakakita ng mga gawa ni Jehova+
At ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa sa mga kalaliman;+
25 Kung paano niya sinasabi ang salita at pinahihihip ang maunos na hangin,+
Anupat itinataas nito ang mga alon nito.+
26 Pumapaitaas sila sa langit,
Bumababa sila sa mga kailaliman.
Dahil sa kapahamakan ay natutunaw ang kanila mismong kaluluwa.+
27 Sila ay susuray-suray at hahapay-hapay na tulad ng taong lasing,+
At ang kanila ngang buong karunungan ay nagkakalitu-lito.+
28 At dumaraing sila kay Jehova sa kanilang kabagabagan,+
At inilalabas niya sila mula sa kanilang mga kaigtingan.+
30 At nagsasaya sila sapagkat ang mga ito ay tumigil,
At dinadala niya sila sa daungan na kanilang kaluguran.+
31 O magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan+
At dahil sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa sa mga anak ng mga tao.+
32 At dakilain nila siya sa kongregasyon ng bayan;+
At purihin nila siya sa upuan ng matatandang lalaki.+
33 Ang mga ilog ay ginagawa niyang ilang,+
At ang mga bulwak ng tubig tungo sa uháw na lupa,+
34 Ang mabungang lupain tungo sa lupain ng asin,+
Dahil sa kasamaan ng mga tumatahan doon.
35 Ang ilang ay ginagawa niyang matambong lawa ng tubig,+
At ang lupain ng pook na walang tubig tungo sa mga bulwak ng tubig.+
36 At pinatatahan niya roon ang mga gutóm,+
Upang matibay nilang maitatag ang isang lunsod na matitirhan.+
37 At naghahasik sila sa mga bukid at nagtatanim ng mga ubasan,+
Upang makapagluwal sila ng mabungang mga ani.+
38 At pinagpapala niya sila upang lubha silang dumami;+
At hindi niya hinahayaang kumaunti ang kanilang mga baka.+
40 Nagbubuhos siya ng panghahamak sa mga taong mahal,+
Anupat pinagagala-gala niya sila sa isang dakong walang anyo, na doon ay walang daan.+
41 Ngunit ipinagsasanggalang niya ang dukha mula sa kapighatian+
At ginagawa niya siyang mga pamilya na parang isang kawan.+