Awit
Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti;+
Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+
2 Sino ang makapagsasabi ng mga makapangyarihang gawa ni Jehova,+
O makapagpaparinig ng lahat ng kaniyang kapurihan?+
4 Alalahanin mo ako, O Jehova, taglay ang kabutihang-loob sa iyong bayan.+
Alagaan mo ako sa iyong pagliligtas,+
5 Upang makita ko ang kabutihan sa iyong mga pinili,+
Upang makipagsaya ako sa pagsasaya ng iyong bansa,+
Upang makapaghambog ako kasama ng iyong mana.+
6 Nagkasala rin kaming gaya ng aming mga ninuno;+
Nakagawa kami ng mali; gumawi kami nang may kabalakyutan.+
7 Kung tungkol sa aming mga ninuno sa Ehipto,
Hindi sila nagpakita ng anumang kaunawaan sa iyong mga kamangha-manghang gawa.+
Hindi nila inalaala ang kasaganaan ng iyong dakilang maibiging-kabaitan,+
Kundi gumawi sila nang mapaghimagsik sa dagat, sa tabi ng Dagat na Pula.+
9 Kaya sinaway niya ang Dagat na Pula, at iyon ay natuyo;+
At pinalakad niya sila sa matubig na kalaliman na waring nasa ilang;+
10 At sa gayon ay iniligtas niya sila mula sa kamay ng napopoot+
At binawi sila mula sa kamay ng kaaway.+
12 Sa gayon ay nanampalataya sila sa kaniyang salita;+
Pinasimulan nilang awitin ang kaniyang papuri.+
14 Kundi nagpakita sila ng kanilang sakim na pagnanasa sa ilang+
At inilagay ang Diyos sa pagsubok sa disyerto.+
15 At ibinigay niya sa kanila ang kanilang kahilingan+
At nagsugo siya ng nakagugupong karamdaman sa kanilang kaluluwa.+
19 Bukod diyan, gumawa sila ng isang guya sa Horeb+
At yumukod sila sa binubong imahen,+
20 Anupat ipinagpalit nila ang aking kaluwalhatian+
Sa isang kawangis ng toro, isang kumakain ng pananim.+
21 Nilimot nila ang Diyos na kanilang Tagapagligtas,+
Ang Gumawa ng mga dakilang bagay sa Ehipto,+
22 Mga kamangha-manghang gawa sa lupain ni Ham,+
Mga kakila-kilabot na bagay sa Dagat na Pula.+
23 At sasabihin na sana niyang lipulin sila,+
Kung hindi lang dahil kay Moises na kaniyang pinili,
Na tumayo sa puwang sa harap niya,+
Upang pawiin ang kaniyang pagngangalit na lipulin sila.+
25 At patuloy silang nagbulung-bulungan sa kanilang mga tolda;+
Hindi sila nakinig sa tinig ni Jehova.+
26 Kaya itinaas niya ang kaniyang kamay sa panunumpa may kinalaman sa kanila,+
Na ibubuwal niya sila sa ilang,+
27 At na ibubuwal niya ang kanilang supling sa gitna ng mga bansa,+
At na pangangalatin niya sila sa mga lupain.+
29 Sa dahilang pumupukaw sila ng galit sa kanilang mga ginagawa,+
Isang salot nga ang kumalat sa gitna nila.+
32 Bukod diyan, pumukaw sila ng pagkagalit sa tubig ng Meriba,+
Anupat napahamak si Moises dahil sa kanila.+
33 Sapagkat pinapait nila ang kaniyang espiritu
At nagsalita siya nang padalus-dalos sa pamamagitan ng kaniyang mga labi.+
37 At inihain nila ang kanilang mga anak na lalaki+
At ang kanilang mga anak na babae sa mga demonyo.+
38 Kaya nagbubo sila ng dugong walang-sala,+
Ang dugo ng kanilang mga anak na lalaki at ng kanilang mga anak na babae,
Na inihain nila sa mga idolo ng Canaan;+
At ang lupa ay narumhan ng pagbububo ng dugo.+
39 At sila ay naging marumi dahil sa kanilang mga gawa+
At nagkaroon ng imoral na pakikipagtalik dahil sa kanilang mga gawain.+
40 At ang galit ni Jehova ay lumagablab laban sa kaniyang bayan,+
At kinasuklaman niya ang kaniyang mana.+
41 At paulit-ulit niya silang ibinigay sa kamay ng mga bansa,+
Upang mapamahalaan sila ng mga napopoot sa kanila,+
42 At upang masiil sila ng kanilang mga kaaway,
At upang masupil sila sa ilalim ng kanilang kamay.+
43 Maraming ulit niya silang inililigtas,+
Ngunit sila mismo ay gumagawi nang mapaghimagsik sa kanilang masuwaying landasin,+
At ibinababa sila dahil sa kanilang kamalian.+
45 At naaalaala niya ang kaniyang tipan hinggil sa kanila,+
At nalulungkot siya ayon sa kasaganaan ng kaniyang dakilang maibiging-kabaitan.+
46 At ipinagkakaloob niyang sila ay kahabagan
Sa harap ng lahat niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag.+