Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At dumaan si Jehova sa harap ng kaniyang mukha at ipinahayag: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain+ at magandang-loob,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan+ at katotohanan,+

  • Bilang 14:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 ‘Si Jehova, mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang,+ ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi.’+

  • Deuteronomio 32:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Sapagkat hahatulan ni Jehova ang kaniyang bayan+

      At ikalulungkot niya ang tungkol sa kaniyang mga lingkod,+

      Sapagkat makikita niya na ang suhay ay nawala

      At ang naroon lamang ay yaong mahina at walang-kabuluhan.

  • Hukom 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At nang magbangon si Jehova ng mga hukom+ para sa kanila, si Jehova ay sumahukom, at iniligtas niya sila mula sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom; sapagkat ikinalulungkot+ ni Jehova ang kanilang pagdaing dahil sa mga naniniil+ sa kanila at doon sa mga umaapi sa kanila.

  • 2 Samuel 24:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At patuloy na iniunat ng anghel+ ang kaniyang kamay patungong Jerusalem upang salantain ito; at ikinalungkot+ ni Jehova ang kapahamakan, kung kaya sinabi niya sa anghel na nananalanta sa gitna ng bayan: “Sapat na! Ngayon ay ibaba mo na ang iyong kamay.” At ang anghel ni Jehova ay nagkataong malapit sa giikan ni Arauna+ na Jebusita.+

  • Awit 51:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 51 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+

      Ayon sa kasaganaan ng iyong kaawaan ay pawiin mo ang aking mga pagsalansang.+

  • Awit 69:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sagutin mo ako, O Jehova, sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay mabuti.+

      Ayon sa karamihan ng iyong kaawaan ay bumaling ka sa akin,+

  • Awit 86:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ngunit ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at magandang-loob,+

      Mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan at katapatan.+

  • Awit 90:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Bumalik ka, O Jehova!+ Hanggang kailan pa?+

      At ikalungkot mo ang tungkol sa iyong mga lingkod.+

  • Isaias 63:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang mga maibiging-kabaitan ni Jehova ay babanggitin ko,+ ang mga kapurihan ni Jehova, ayon sa lahat ng ginawa sa atin ni Jehova,+ ang sagana ngang kabutihan sa sambahayan ng Israel+ na ginawa niya sa kanila ayon sa kaniyang kaawaan+ at ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga maibiging-kabaitan.

  • Panaghoy 3:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Sapagkat bagaman siya ay pumipighati,+ tiyak na magpapakita rin siya ng awa ayon sa kasaganaan ng kaniyang maibiging-kabaitan.+

  • Joel 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hapakin ninyo ang inyong mga puso,+ at hindi ang inyong mga kasuutan;+ at manumbalik kayo kay Jehova na inyong Diyos, sapagkat siya ay magandang-loob at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ at tiyak na ikalulungkot niya ang kapahamakan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share