Awit
Sa tagapangasiwa ng Mga Liryo.+ Ni David.
69 Iligtas mo ako, O Diyos, sapagkat ang tubig ay umabot hanggang sa kaluluwa.+
2 Lumubog ako sa malalim na lusak, kung saan walang matatayuan.+
Ako ay napasatubig na pagkalalim-lalim,
At tinangay ako ng umaagos na daloy.+
3 Ako ay napagod sa aking pagtawag;+
Ang aking lalamunan ay namaos.
Ang aking mga mata ay nanlabo habang naghihintay sa aking Diyos.+
4 Yaong mga napopoot sa akin nang walang dahilan ay dumami pa kaysa sa mga buhok sa aking ulo.+
Yaong mga nagpapatahimik sa akin, na mga kaaway ko nang walang dahilan, ay dumami.+
Ang hindi ko kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw ay isinauli ko.
5 O Diyos, nalaman mo ang aking kamangmangan,
At mula sa iyo ay hindi naitago ang aking pagkakasala.+
6 O huwag nawang mapahiya dahil sa akin yaong mga umaasa sa iyo,+
O Soberanong Panginoon, Jehova ng mga hukbo.+
O huwag nawang maaba dahil sa akin yaong mga humahanap sa iyo,+
O Diyos ng Israel.+
9 Sapagkat inuubos ako ng sigasig para sa iyong bahay,+
At ang mismong mga pandurusta niyaong mga nandurusta sa iyo ay nahulog sa akin.+
10 At tumangis ako kasabay ng pag-aayuno ng aking kaluluwa,+
Ngunit iyon ay naging mga pandurusta sa akin.+
11 Nang gawin kong aking pananamit ang telang-sako,
Sa gayon ay naging isang kasabihan ako sa kanila.+
12 Yaong mga nakaupo sa pintuang-daan ay nagtuon ng pansin sa akin,+
At ako ang naging paksa ng mga awit ng mga manginginom ng nakalalangong inumin.+
13 Ngunit kung tungkol sa akin, ang aking panalangin ay sa iyo, O Jehova,+
Sa isang panahong kaayaaya, O Diyos.+
Sa kasaganaan ng iyong maibiging-kabaitan ay sagutin mo ako ng katotohanan ng iyong pagliligtas.+
14 Iligtas mo ako mula sa lusak, upang hindi ako lumubog.+
O maligtas nawa ako mula sa mga napopoot sa akin+ at mula sa malalim na tubig.+
15 O huwag nawa akong tangayin ng umaagos na daloy ng tubig,+
Ni lamunin ako ng kalaliman,
Ni isara man sa akin ng balon ang bunganga nito.+
16 Sagutin mo ako, O Jehova, sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay mabuti.+
Ayon sa karamihan ng iyong kaawaan ay bumaling ka sa akin,+
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha mula sa iyong lingkod.+
Sapagkat ako ay nasa kagipitan, sagutin mo ako nang madali.+
19 Nalaman mo mismo ang aking kadustaan at ang aking kahihiyan at ang aking pagkaaba.+
Ang lahat niyaong napopoot sa akin ay nasa harap mo.+
20 Winasak ng kadustaan ang aking puso, at ang sugat ay di-malunasan.+
At umaasa akong may makikiramay, ngunit wala;+
At mga mang-aaliw, ngunit wala akong nasumpungan.+
21 Ngunit bilang pagkain ay binigyan nila ako ng nakalalasong halaman,+
At para sa aking uhaw ay tinangka nilang painumin ako ng sukà.+
22 Ang kanilang mesa nawa na nasa harap nila ay maging isang bitag,+
At yaong para sa kanilang kapakanan ay maging isang silo.+
23 Magdilim nawa ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita;+
At pangatugin mong lagi ang kanila mismong mga balakang.+
25 Maging tiwangwang nawa ang kanilang kampong may pader;+
Sa kanila nawang mga tolda ay walang manahanan.+
26 Sapagkat siya na sinaktan mo ay tinugis nila,+
At ang mga kirot niyaong mga inulos mo ay lagi nilang isinasalaysay.
27 Dagdagan mo ng kamalian ang kanilang kamalian,+
At huwag nawa silang makapasok sa iyong katuwiran.+
28 Mapawi nawa sila mula sa aklat ng mga buháy,+
At huwag nawa silang mapasulat na kasama ng mga matuwid.+
29 Ngunit ako ay napipighati at nakadarama ng kirot.+
Ipagsanggalang nawa ako ng iyong pagliligtas, O Diyos.+
30 Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng awit,+
At dadakilain ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.+
31 Ito rin ay magiging higit na kalugud-lugod kay Jehova kaysa sa isang toro,+
Kaysa sa isang guyang toro na may mga sungay, na may biyak ang kuko.+
32 Tiyak na makikita iyon ng maaamo; magsasaya sila.+
Kayong mga humahanap sa Diyos, ingatan din ninyong buháy ang inyong puso.+
33 Sapagkat nakikinig si Jehova sa mga dukha,+
At hindi nga niya hahamakin ang kaniyang sariling mga bilanggo.+