9 At ang kanilang supling ay makikilala sa gitna ng mga bansa,+ at ang kanilang mga inapo sa gitna ng mga bayan. Ang lahat ng makakakita sa kanila ay makakakilala sa kanila,+ na sila ang supling na pinagpala ni Jehova.”+
22 “Sapagkat kung paanong ang mga bagong langit+ at ang bagong lupa+ na aking ginagawa ay nananatili sa harap ko,”+ ang sabi ni Jehova, “gayon patuloy na mananatili ang supling ninyo+ at ang pangalan ninyo.”+