Awit
Panalangin ng napipighati sakaling manghina siya at ibuhos niya ang kaniyang pagkabahala sa harap ni Jehova.+
102 O Jehova, dinggin mo ang aking panalangin;+
At dumating nawa sa iyo ang aking paghingi ng tulong.+
2 Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mukha sa araw na ako ay nasa kagipitan.+
Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig;+
Sa araw na ako ay tumawag, magmadali ka, sagutin mo ako.+
3 Sapagkat ang aking mga araw ay sumapit sa kawakasan na parang usok,+
At ang akin mismong mga buto ay nag-init na parang apuyan.+
4 Ang aking puso ay nasaktang tulad ng pananim at natuyo,+
Sapagkat nalimutan kong kainin ang aking pagkain.+
6 Kahalintulad ako ng pelikano sa ilang.+
Ako ay naging tulad ng munting kuwago sa mga tiwangwang na dako.
8 Buong araw akong dinudusta ng aking mga kaaway.+
Yaong mga nanloloko sa akin ay sumumpa pa man din sa pamamagitan ko.+
9 Sapagkat kinain kong parang tinapay ang abo;+
At ang mga bagay na iniinom ko ay hinaluan ko ng pagtangis,+
10 Dahil sa iyong pagtuligsa at sa iyong galit;+
Sapagkat ako ay binuhat mo, upang maitapon mo ako.+
11 Ang aking mga araw ay tulad ng aninong naglalaho,+
At ako mismo ay natuyong tulad lamang ng pananim.+
12 Kung tungkol sa iyo, O Jehova, tatahan ka hanggang sa panahong walang takda,+
At ang iyong pinakaalaala ay sa sali’t salinlahi.+
13 Ikaw mismo ay babangon, maaawa ka sa Sion,+
Sapagkat kapanahunan nga ng pagiging mapagbiyaya sa kaniya,
Sapagkat ang takdang panahon ay dumating na.+
14 Sapagkat ang iyong mga lingkod ay nakasumpong ng kaluguran sa kaniyang mga bato,+
At sa kaniyang alabok ay itinutuon nila ang kanilang paglingap.+
15 At katatakutan ng mga bansa ang pangalan ni Jehova,+
At ng lahat ng mga hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian.+
17 Babaling nga siya sa panalangin ng mga sinamsaman ng lahat ng bagay,+
At hindi hahamakin ang kanilang panalangin.+
19 Sapagkat dumungaw siya mula sa kaniyang banal na kaitaasan,+
Mula sa mismong langit ay tumingin si Jehova sa lupa,+
20 Upang dinggin ang pagbubuntunghininga ng bilanggo,+
Upang kalagan yaong mga itinalaga sa kamatayan;+
21 Upang ang pangalan ni Jehova ay maipahayag sa Sion+
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem,+
22 Kapag ang mga bayan ay natitipong sama-sama,+
At ang mga kaharian upang maglingkod kay Jehova.+
24 Sinabi ko: “O Diyos ko,
Huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga araw;+
Ang iyong mga taon ay sa lahat ng mga salinlahi.+
25 Noong sinaunang panahon ay inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa,+
At ang langit ay gawa ng iyong mga kamay.+
26 Sila ay maglalaho, ngunit ikaw ay mananatiling nakatayo;+
At tulad ng isang kasuutan ay maluluma silang lahat.+
Tulad ng pananamit ay papalitan mo sila, at matatapos ang kanilang kapanahunan.+
27 Ngunit ikaw ay gayon pa rin, at ang iyong sariling mga taon ay hindi matatapos.+