Awit
Ni David. Isang awitin.
101 Aawit ako tungkol sa maibiging-kabaitan at kahatulan.+
Sa iyo, O Jehova, ay aawit ako ng papuri.+
2 Kikilos ako nang may katalinuhan sa paraang walang pagkukulang.+
Kailan ka paririto sa akin?+
Ako ay lalakad sa loob ng aking bahay taglay ang katapatan ng aking puso.+
3 Hindi ako maglalagay sa harap ng aking mga mata ng anumang walang-kabuluhang bagay.+
Ang gawain ng mga humihiwalay ay kinapopootan ko;+
Hindi iyon kumakapit sa akin.+
5 Ang sinumang lihim na naninirang-puri sa kaniyang kasamahan,+
Siya ay pinatatahimik ko.+
Ang sinumang may mga palalong mata at may mapagmataas na puso,+
Siya ay hindi ko mababata.+
6 Ang aking mga mata ay nakatingin sa mga tapat na nasa lupa,+
Upang manahanan silang kasama ko.+
Ang lumalakad sa paraang walang pagkukulang,+
Siya ang maglilingkod sa akin.+