8 Sila ay lumihis nang dali-dali mula sa daan na iniutos kong lakaran nila.+ Sila ay gumawa ng binubong estatuwa ng isang guya para sa kanilang sarili at patuloy na niyuyukuran ito at hinahainan ito at sinasabi, ‘Ito ang iyong Diyos, O Israel, na nag-ahon sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.’”+
20 Kaya sinabi ni Samuel sa bayan: “Huwag kayong matakot.+ Kayo—kayo ang gumawa ng lahat ng kasamaang ito. Huwag lamang kayong lilihis mula sa pagsunod kay Jehova,+ at maglingkod kayo kay Jehova nang inyong buong puso.+
13 Ang pagkatakot kay Jehova ay nangangahulugan ng pagkapoot sa masama.+ Ang pagtataas sa sarili at pagmamapuri+ at ang masamang lakad at ang tiwaling bibig+ ay kinapopootan ko.
5 Ang bulaang salita ang siyang kinapopootan ng matuwid,+ ngunit ang mga balakyot ay gumagawi nang kahiya-hiya at nagpapangyari ng kanilang sariling pagkadusta.+
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang katampalasanan. Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid+ sa iyo ng langis ng pagbubunyi na higit kaysa sa iyong mga kasamahan.”+
21 Sapagkat mas mabuti pa sana na hindi nila nalaman nang may katumpakan ang landas ng katuwiran+ kaysa pagkatapos na malaman ito nang may katumpakan ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.+
23 iligtas ninyo sila+ sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy.+ Ngunit patuloy na magpakita ng awa sa iba, na ginagawa iyon nang may takot, habang kinapopootan ninyo maging ang panloob na kasuutan na narumhan ng laman.+