Awit
2 Mga ulap at makapal na karimlan ang nasa buong palibot niya;+
Ang katuwiran at ang kahatulan ang siyang tatag na dako ng kaniyang trono.+
3 Sa unahan niya ay may apoy na yumayaon,+
At nilalamon nito ang kaniyang mga kalaban sa buong palibot.+
4 Niliwanagan ng kaniyang mga kidlat ang mabungang lupain;+
Nakita ng lupa at dumanas ng matitinding kirot.+
6 Ipinahayag ng langit ang kaniyang katuwiran,+
At nakita ng lahat ng bayan ang kaniyang kaluwalhatian.+
7 Mapahiya nawa ang lahat ng naglilingkod sa anumang inukit na imahen,+
Yaong mga naghahambog tungkol sa kanilang walang-silbing mga diyos.+
Yumukod kayo sa kaniya, lahat kayong mga diyos.+
8 Narinig ng Sion at nagsimulang magsaya,+
At ang mga sakop na bayan ng Juda ay nagsimulang magalak+
Dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya, O Jehova.+
9 Sapagkat ikaw, O Jehova, ang Kataas-taasan sa buong lupa;+
Ikaw ay lubhang mataas sa iyong pagkakataas sa lahat ng iba pang diyos.+