Awit
96 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit.+
Umawit kayo kay Jehova, lahat kayong mga tao sa lupa.+
2 Umawit kayo kay Jehova, pagpalain ninyo ang kaniyang pangalan.+
Sa araw-araw ay ihayag ninyo ang mabuting balita ng kaniyang pagliligtas.+
3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa,+
Ang kaniyang mga kamangha-manghang gawa+ sa gitna ng lahat ng mga bayan.
4 Sapagkat si Jehova ay dakila+ at lubhang marapat na purihin.
Siya ay kakila-kilabot nang higit sa lahat ng iba pang diyos.+
5 Sapagkat ang lahat ng diyos ng mga bayan ay walang-silbing mga diyos;+
Ngunit kung tungkol kay Jehova, ginawa niya ang mismong langit.+
6 Ang dangal at ang karilagan ay nasa harap niya;+
Ang lakas at ang kagandahan ay nasa kaniyang santuwaryo.+
7 Mag-ukol kayo kay Jehova, O kayong mga pamilya ng mga bayan,+
Mag-ukol kayo kay Jehova ng kaluwalhatian at lakas.+
8 Mag-ukol kayo kay Jehova ng kaluwalhatiang nararapat sa kaniyang pangalan;+
Magdala kayo ng kaloob at pumasok kayo sa kaniyang mga looban.+
9 Yumukod kayo kay Jehova na may banal na kagayakan;+
Dumanas kayo ng matitinding kirot dahil sa kaniya, lahat kayong mga tao sa lupa.+
10 Sabihin sa gitna ng mga bansa: “Si Jehova ay naging hari.+
Ang mabungang lupain din ay natatatag nang matibay anupat hindi ito makikilos.+
Ipagtatanggol niya ang usapin ng mga bayan sa katuwiran.”+
12 Magbunyi ang malawak na parang at ang lahat ng naroroon.+
Kasabay nito ay bumulalas nang may kagalakan ang lahat ng mga punungkahoy sa kagubatan+
13 Sa harap ni Jehova. Sapagkat siya ay dumarating;+
Sapagkat siya ay dumarating upang hatulan ang lupa.+
Hahatulan niya sa katuwiran ang mabungang lupain+
At sa kaniyang katapatan ang mga bayan.+