Awit
95 O halikayo at humiyaw tayo nang may kagalakan kay Jehova!+
May-pagbubunyi tayong sumigaw sa ating Bato ng kaligtasan.+
2 Lumapit tayo sa harap niya taglay ang pasasalamat;+
May-pagbubunyi tayong sumigaw sa kaniya taglay ang mga awitin.+
3 Sapagkat si Jehova ay dakilang Diyos+
At dakilang Hari sa lahat ng iba pang diyos,+
4 Siya na sa kaniyang kamay ay naroon ang mga kaila-ilaliman ng lupa+
At siyang nagmamay-ari ng mga taluktok ng mga bundok;+
5 Na nagmamay-ari ng dagat, na kaniya mismong ginawa,+
At ang kaniya mismong mga kamay ang nag-anyo ng tuyong lupa.+
7 Sapagkat siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan ng kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay.+
Kung ngayon ay maririnig ninyo ang kaniyang tinig,+
8 Huwag ninyong patigasin ang inyong puso gaya ng sa Meriba,+
Gaya noong araw ng Masah sa ilang,+
9 Nang ilagay ako ng inyong mga ninuno sa pagsubok;+
Sinuri nila ako, nakita rin nila ang aking mga gawa.+