Awit
4 Nagdadadaldal sila, nagsasalita sila nang walang pagpipigil;+
Ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ay nagyayabang tungkol sa kanilang sarili.+
6 Ang babaing balo at ang naninirahang dayuhan ay pinapatay nila,+
At ang mga batang lalaking walang ama ay pinapaslang nila.+
8 Unawain ninyo, kayong mga walang katuwiran sa gitna ng bayan;+
At kung tungkol sa inyo na mga hangal, kailan kayo magkakaroon ng kaunawaan?+
9 Ang Isa na naglalagay ng tainga, hindi ba siya makaririnig?+
O ang Isa na nag-aanyo ng mata, hindi ba siya makakakita?+
10 Ang Isa na nagtutuwid sa mga bansa, hindi ba siya makasasaway,+
Ang Isa nga na nagtuturo ng kaalaman sa mga tao?+
11 Alam ni Jehova ang mga kaisipan ng mga tao, na sila ay gaya ng singaw.+
12 Maligaya ang matipunong lalaki na itinutuwid mo,+ O Jah,
At tinuturuan mo mula sa iyong sariling kautusan,+
13 Upang bigyan siya ng katahimikan mula sa mga araw ng kapahamakan,+
Hanggang sa makapagdukal ng isang hukay para sa balakyot.+
14 Sapagkat hindi pababayaan ni Jehova ang kaniyang bayan,+
Ni iiwan man niya ang kaniyang sariling mana.+
15 Sapagkat ang hudisyal na pasiya ay babalik nga sa katuwiran,+
At susundan iyon ng lahat ng matapat ang puso.
16 Sino ang babangon para sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?+
Sino ang titindig para sa akin laban sa mga nagsasagawa ng pananakit?+
17 Malibang tinulungan ako ni Jehova,+
Kaunting panahon na lamang at ang aking kaluluwa ay tumahan na sa katahimikan.+
18 Nang sabihin ko: “Ang aking paa ay tiyak na susuray-suray,”+
Ang iyong maibiging-kabaitan, O Jehova, ay patuloy na umalalay sa akin.+
19 Nang ang aking mga nakababalisang kaisipan ay dumami sa loob ko,+
Ang iyong mga pang-aaliw ay nagsimulang humaplos sa aking kaluluwa.+
20 Ang trono bang nagpapangyari ng mga kapighatian ay magiging kaalyado mo+
Habang nagpapanukala iyon ng kaguluhan sa pamamagitan ng batas?+
21 Gumagawa sila ng matitinding pagdaluhong sa kaluluwa ng matuwid+
At inaaring balakyot maging ang dugo ng walang-sala.+