Awit
Nadaramtan siya ng karilagan;+
Si Jehova ay nadaramtan—binigkisan niya ng kalakasan ang kaniyang sarili.+
Ang mabungang lupain din ay natatatag nang matibay anupat hindi ito makikilos.+
2 Ang iyong trono ay matibay na nakatatag mula pa noong sinaunang panahon;+
Ikaw ay mula pa noong panahong walang takda.+
3 Ang mga ilog ay naglakas, O Jehova,
Ang mga ilog ay naglakas ng kanilang ugong;+
Ang mga ilog ay patuloy na naglalakas ng kanilang dagundong.+