Awit
Isang awitin, isang awit, para sa araw ng sabbath.
92 Mabuti ang magpasalamat kay Jehova+
At ang umawit sa iyong pangalan, O Kataas-taasan;+
2 Upang sa umaga ay isaysay ang tungkol sa iyong maibiging-kabaitan+
At ang tungkol sa iyong katapatan gabi-gabi,+
3 Sa panugtog na may sampung-kuwerdas at sa laud,+
Sa saliw ng tumataginting na musika sa alpa.+
4 Sapagkat pinasaya mo ako, O Jehova, dahil sa iyong gawa;
Dahil sa mga gawa ng iyong mga kamay ay humihiyaw ako nang may kagalakan.+
6 Walang taong di-makatuwiran ang makaaalam ng mga iyon,+
At walang sinumang hangal ang makauunawa nito.+
7 Kapag sumisibol ang mga balakyot na gaya ng pananim+
At namumukadkad ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,
Iyon ay upang malipol sila magpakailanman.+
8 Ngunit ikaw ay nasa kaitaasan hanggang sa panahong walang takda, O Jehova.+
9 Sapagkat, narito! ang iyong mga kaaway, O Jehova,+
Sapagkat, narito! ang iyong mga kaaway ay malilipol;+
Ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ay magkakahiwa-hiwalay.+
10 Ngunit itataas mo ang aking sungay na tulad ng sa torong gubat;+
Papahiran ko ng sariwang langis ang aking sarili.+