Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 40:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Maraming bagay ang iyong ginawa,+

      O Jehova na aking Diyos, maging ang iyong mga kamangha-manghang gawa at ang iyong mga kaisipan sa amin;+

      Walang sinumang maihahambing sa iyo.+

      Naisin ko mang saysayin at salitain ang tungkol sa mga iyon,

      Ang mga iyon ay mas marami kaysa sa kaya kong isalaysay.+

  • Awit 66:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Sabihin ninyo sa Diyos: “Anong kakila-kilabot ng iyong mga gawa!+

      Dahil sa kasaganaan ng iyong lakas ay susukut-sukot na paroroon sa iyo ang iyong mga kaaway.+

  • Awit 104:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kay rami ng iyong mga gawa, O Jehova!+

      Sa karunungan ay ginawa mong lahat ang mga iyon.+

      Ang lupa ay punô ng iyong mga likha.+

  • Awit 145:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Papupurihan ng sali’t salinlahi ang iyong mga gawa,+

      At ipahahayag nila ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.+

  • Awit 150:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang makapangyarihang mga gawa.+

      Purihin ninyo siya ayon sa kalakhan ng kaniyang kadakilaan.+

  • Eclesiastes 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang lahat ng bagay ay ginawa niyang maganda sa kapanahunan nito.+ Maging ang panahong walang takda ay inilagay niya sa kanilang puso,+ upang hindi kailanman matuklasan ng mga tao ang gawa na ginawa ng tunay na Diyos mula sa pasimula hanggang sa katapusan.+

  • Apocalipsis 15:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At inaawit nila ang awit ni Moises+ na alipin ng Diyos at ang awit ng Kordero,+ na sinasabi:

      “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+ Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat.+ Matuwid at totoo ang iyong mga daan,+ Haring walang hanggan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share