Awit
104 Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko.+
O Jehova na aking Diyos, ikaw ay lubhang dakila.+
Dinamtan mo ang iyong sarili ng dangal at karilagan,+
2 Binabalutan mo ang iyong sarili ng liwanag na parang kasuutan,+
Na iniuunat ang langit na tulad ng telang pantolda,+
3 Ang Isa na nagtatayo ng kaniyang mga pang-itaas na silid na may mga biga sa mismong tubig,+
Na ginagawang kaniyang karo ang mga ulap,+
Na lumalakad sa mga pakpak ng hangin,+
4 Na ginagawang mga espiritu ang kaniyang mga anghel,+
Lumalamong apoy naman ang kaniyang mga lingkod.+
5 Itinatag niya ang lupa sa mga tatag na dako nito;+
Hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.+
6 Tinakpan mo ito ng matubig na kalaliman na tulad ng kasuutan.+
Ang tubig ay nakatayo sa ibabaw ng mismong mga bundok.+
7 Sa iyong pagsaway ay tumakas sila;+
Sa dagundong ng iyong kulog ay nagtatakbo sila sa takot—
Ang mga kapatagang libis ay lumusong—
Sa dakong itinatag mo para sa kanila.
9 Isang hangganan ang iyong itinakda, na sa kabila nito ay hindi sila makalalampas,+
Upang hindi na nila muling takpan ang lupa.+
10 Isinusugo niya ang mga bukal sa mga agusang libis;+
Sa pagitan ng mga bundok ay patuloy silang umaagos.
11 Patuloy nilang pinaiinom ang lahat ng mababangis na hayop sa malawak na parang;+
Ang mga sebra+ ay laging nagpapamatid-uhaw.
12 Sa ibabaw nila ay dumadapo ang mga lumilipad na nilalang sa langit;+
Mula sa malalagong dahon ay nagpaparinig sila ng kanilang huni.+
13 Dinidilig niya ang mga bundok mula sa kaniyang mga pang-itaas na silid.+
Ang lupa ay busóg sa bunga ng iyong mga gawa.+
14 Nagpapasibol siya ng luntiang damo para sa mga hayop,+
At ng mga pananim para sa paglilingkod sa sangkatauhan,+
Upang maglabas ng pagkain mula sa lupa,+
15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng taong mortal,+
Upang paningningin ng langis ang mukha,+
At ng tinapay na nagpapalakas sa puso ng taong mortal.+
16 Ang mga punungkahoy ni Jehova ay busóg,
Ang mga sedro ng Lebanon na kaniyang itinanim,+
17 Na pinamumugaran ng mga ibon.+
Kung tungkol sa siguana, ang mga puno ng enebro ang bahay nito.+
18 Ang matataas na bundok+ ay para sa mga kambing-bundok;+
Ang malalaking bato ay kanlungan para sa mga kuneho sa batuhan.+
19 Ginawa niya ang buwan para sa mga takdang panahon;+
Nalalamang lubos ng araw kung saan ito lulubog.+
20 Nagpapangyari ka ng kadiliman, upang maging gabi;+
Doon gumagala ang lahat ng maiilap na hayop sa kagubatan.
21 Ang mga may-kilíng na batang leon ay umuungal dahil sa sisilain+
At dahil sa paghahanap ng kanilang pagkain mula sa Diyos.+
22 Ang araw ay nagsisimulang sumikat+—nag-aalisan sila
At nahihiga sila sa kani-kanilang taguang dako.
24 Kay rami ng iyong mga gawa, O Jehova!+
Sa karunungan ay ginawa mong lahat ang mga iyon.+
Ang lupa ay punô ng iyong mga likha.+
25 Kung tungkol sa dagat na ito na napakalaki at napakaluwang,+
Doon ay may mga bagay na gumagala na walang bilang,+
Mga nilalang na buháy, maliliit at malalaki.+
28 Ang ibinibigay mo sa kanila ay kinukuha nila.+
Binubuksan mo ang iyong kamay—nabubusog sila ng mabubuting bagay.+
29 Kung ikukubli mo ang iyong mukha, naliligalig sila.+
Kung aalisin mo ang kanilang espiritu, pumapanaw sila,+
At bumabalik sila sa alabok.+
31 Ang kaluwalhatian ni Jehova ay magiging hanggang sa panahong walang takda.+
Si Jehova ay magsasaya sa kaniyang mga gawa.+
32 Tinitingnan niya ang lupa, at ito ay nayayanig;+
Hinihipo niya ang mga bundok, at ang mga ito ay umuusok.+
33 Aawit ako kay Jehova sa buong buhay ko;+
Aawit ako ng papuri sa aking Diyos hangga’t ako ay nabubuhay.+