Awit
105 Magpasalamat kayo kay Jehova, tumawag kayo sa kaniyang pangalan,+
Ipaalam ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga ginagawa.+
2 Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo sa kaniya ng papuri,+
Pagtuunan ninyo ng pansin ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa.+
3 Ipaghambog ninyo ang kaniyang banal na pangalan.+
Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+
5 Alalahanin ninyo ang kaniyang mga kamangha-manghang gawa na kaniyang isinagawa,+
Ang kaniyang mga himala at ang mga hudisyal na pasiya ng kaniyang bibig,+
6 O kayong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,+
Kayong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga pinili.+
8 Naalaala niya ang kaniyang tipan maging hanggang sa panahong walang takda,+
Ang salita na kaniyang iniutos, hanggang sa isang libong salinlahi,+
9 Na tipang pinagtibay niya kay Abraham,+
At ang kaniyang sinumpaang kapahayagan kay Isaac,+
10 At siyang kapahayagan na pinanatili niyang nakatayo bilang isang tuntunin kay Jacob,
Bilang isang tipan na namamalagi nang walang takda kay Israel,+
11 Na sinasabi: “Sa iyo ko ibibigay ang lupain ng Canaan+
Bilang takdang bahagi ng inyong mana.”+
12 Ito ay noong kakaunti pa ang kanilang bilang,+
Oo, kaunting-kaunti pa, at mga naninirahang dayuhan doon.+
14 Hindi niya pinahintulutang dayain sila ng sinumang tao,+
Kundi dahil sa kanila ay sumaway siya ng mga hari,+
15 Na sinasabi: “Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran,+
At ang aking mga propeta ay huwag ninyong gawan ng masama.”+
16 At nagpasapit siya ng taggutom sa lupain;+
Binali niya ang bawat tungkod na kinabibitinan ng hugis-singsing na mga tinapay.+
18 Sinaktan nila ng mga pangaw ang kaniyang mga paa,+
Sa mga bakal ay nalagay ang kaniyang kaluluwa;+
19 Hanggang sa panahong dumating ang kaniyang salita,+
Ang pananalita ni Jehova ang dumalisay sa kaniya.+
20 Ang hari ay nagsugo upang mapalaya niya siya,+
Ang tagapamahala ng mga bayan, upang mapawalan niya siya.
21 Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang sambahayan+
At bilang tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian,+
22 Upang gapusin ang kaniyang mga prinsipe nang malugod sa kaniyang kaluluwa+
At upang makapagturo siya ng karunungan maging sa kaniyang matatandang lalaki.+
24 At ginawa niyang lubhang palaanakin ang kaniyang bayan,+
At unti-unti niya silang ginawang mas malakas kaysa sa kanilang mga kalaban.+
25 Hinayaan niyang magbago ang kanilang puso upang mapoot sa kaniyang bayan,+
Upang gumawi nang may katusuhan laban sa kaniyang mga lingkod.+
27 Kanilang inilagay sa gitna nila ang mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang mga tanda,+
At ang mga himala sa lupain ni Ham.+
28 Nagsugo siya ng kadiliman at sa gayon ay pinagdilim niya;+
At hindi sila naghimagsik laban sa kaniyang mga salita.+
31 Sinabi niya na pumasok ang mga langaw na nangangagat,+
Mga niknik sa lahat ng kanilang mga teritoryo.+
33 At sinaktan niya ang kanilang mga punong ubas at ang kanilang mga puno ng igos
At binali ang mga punungkahoy sa kanilang teritoryo.+
35 At kinain ng mga iyon ang lahat ng pananim sa kanilang lupain;+
Kinain din ng mga iyon ang bunga ng kanilang lupa.
36 At pinatay niya ang lahat ng panganay sa kanilang lupain,+
Ang pasimula ng lahat ng kanilang kakayahang magkaanak.+
37 At pinasimulan niyang ilabas sila na may pilak at ginto;+
At sa kaniyang mga tribo ay walang sinumang natitisod.
40 Humingi sila, at nagdala siya ng mga pugo,+
At patuloy niya silang binubusog ng tinapay mula sa langit.+
41 Nagpabuka siya ng bato, at bumukal ang tubig;+
Umagos ito sa mga pook na walang tubig na parang ilog.+
42 Sapagkat naalaala niya ang kaniyang banal na salita kay Abraham na kaniyang lingkod.+