Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sinabi naman sa kanila ng punong ubas, ‘Iiwan ko ba ang aking bagong alak na nagpapasaya sa Diyos at sa mga tao,+ at yayaon ba ako upang umindayog sa ibabaw ng mga punungkahoy?’

  • 2 Samuel 13:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Nang magkagayon ay nag-utos si Absalom sa kaniyang mga tagapaglingkod, na sinasabi: “Pakisuyo, tingnan ninyo na sa sandaling sumaya ang puso ni Amnon dahil sa alak,+ at sasabihin ko nga sa inyo, ‘Pabagsakin ninyo si Amnon!’ papatayin nga ninyo siya. Huwag kayong matakot.+ Hindi ba ako ang nag-uutos sa inyo? Magpakalakas kayo at maging magigiting na lalaki.”

  • Esther 1:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nang ikapitong araw, nang ang puso ng hari ay sumaya dahil sa alak,+ sinabi niya kina Mehuman, Bizta, Harbona,+ Bigta at Abagta, Zetar at Carkas, ang pitong opisyal ng korte na naglilingkod+ sa katauhan ni Haring Ahasuero,

  • Kawikaan 31:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Magbigay kayo ng nakalalangong inumin sa isa na malapit nang pumanaw+ at ng alak sa mga may mapait na kaluluwa.+

  • Eclesiastes 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nagsaliksik ako sa aking puso na pinasasaya ang aking laman sa pamamagitan nga ng alak,+ habang pinapatnubayan ko ng karunungan ang aking puso,+ upang hawakan nga ang kahibangan hanggang sa makita ko kung anong kabutihan ang mayroon sa mga anak ng sangkatauhan sa ginawa nila sa silong ng langit sa bilang ng mga araw ng kanilang buhay.+

  • Eclesiastes 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Yumaon ka, kainin mo ang iyong pagkain nang may pagsasaya at inumin mo ang iyong alak nang may mabuting puso,+ sapagkat ang tunay na Diyos ay nakasumpong na ng kaluguran sa iyong mga gawa.+

  • Eclesiastes 10:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ang tinapay ay para sa pagtawa ng mga manggagawa, at ang alak ay nagpapasaya ng buhay;+ ngunit salapi ang siyang nakatutugon sa lahat ng bagay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share