Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ruth 3:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Samantala, si Boaz ay kumain at uminom, at ang kaniyang puso ay masaya.+ At yumaon ito at humiga sa dulo ng bunton ng mga butil. Pagkatapos ay pumaroon siya nang palihim at inalisan ng takip ang mga paa nito at humiga.

  • 1 Samuel 25:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Sa kalaunan ay pumaroon si Abigail kay Nabal, at narito, siya ay nagpipiging sa kaniyang bahay gaya ng piging ng hari;+ at ang puso ni Nabal ay masaya sa loob niya, at siya ay lasing na lasing;+ at wala siyang anumang sinabi sa kaniya, maliit man o malaki, hanggang sa magliwanag sa kinaumagahan.

  • Esther 1:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nang ikapitong araw, nang ang puso ng hari ay sumaya dahil sa alak,+ sinabi niya kina Mehuman, Bizta, Harbona,+ Bigta at Abagta, Zetar at Carkas, ang pitong opisyal ng korte na naglilingkod+ sa katauhan ni Haring Ahasuero,

  • Awit 104:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng taong mortal,+

      Upang paningningin ng langis ang mukha,+

      At ng tinapay na nagpapalakas sa puso ng taong mortal.+

  • Eclesiastes 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nagsaliksik ako sa aking puso na pinasasaya ang aking laman sa pamamagitan nga ng alak,+ habang pinapatnubayan ko ng karunungan ang aking puso,+ upang hawakan nga ang kahibangan hanggang sa makita ko kung anong kabutihan ang mayroon sa mga anak ng sangkatauhan sa ginawa nila sa silong ng langit sa bilang ng mga araw ng kanilang buhay.+

  • Eclesiastes 10:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ang tinapay ay para sa pagtawa ng mga manggagawa, at ang alak ay nagpapasaya ng buhay;+ ngunit salapi ang siyang nakatutugon sa lahat ng bagay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share