Awit
Sa tagapangasiwa. Isang awit, isang awitin.
66 May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos, lahat kayong mga tao sa lupa.+
2 Umawit kayo ukol sa kaluwalhatian ng kaniyang pangalan.+
Gawin ninyong maluwalhati ang papuri sa kaniya.+
3 Sabihin ninyo sa Diyos: “Anong kakila-kilabot ng iyong mga gawa!+
Dahil sa kasaganaan ng iyong lakas ay susukut-sukot na paroroon sa iyo ang iyong mga kaaway.+
4 Ang lahat ng tao sa lupa ay yuyukod sa iyo,+
At aawit sila sa iyo, aawit sila sa iyong pangalan.”+ Selah.
5 Halikayo at tingnan ang mga gawa ng Diyos.+
Ang kaniyang pakikitungo sa mga anak ng mga tao ay kakila-kilabot.+
6 Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat;+
Sa ilog ay tumawid silang naglalakad.+
Doon ay nagsimula kaming magsaya sa kaniya.+
7 Siya ay namamahala sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan hanggang sa panahong walang takda.+
Ang kaniyang mga mata ay nagbabantay sa mga bansa.+
Kung tungkol sa mga sutil, huwag silang magmalaki.+ Selah.
8 Pagpalain ninyo ang ating Diyos, O kayong mga bayan,+
At iparinig ninyo ang tinig ng papuri sa kaniya.+
9 Itinatatag niya ang ating kaluluwa sa buhay,+
At hindi niya ipinahihintulot na makilos ang ating paa.+
12 Pinaraan mo ang taong mortal sa ibabaw ng aming ulo;+
Dumaan kami sa apoy at sa tubig,+
At dinala mo kami sa kaginhawahan.+
13 Papasok ako sa iyong bahay taglay ang mga buong handog na sinusunog;+
Tutuparin ko sa iyo ang aking mga panata+
14 Na ibinuka ng aking mga labi upang sabihin+
At sinalita ng aking bibig noong ako ay nasa kagipitan.+
15 Mga buong handog na sinusunog na mga patabain ang ihahandog ko sa iyo,+
Na may haing usok ng mga barakong tupa.
Maghahandog ako ng toro na may kasamang mga kambing na lalaki.+ Selah.
16 Halikayo, makinig kayo, lahat kayong natatakot sa Diyos, at isasaysay ko+
Kung ano ang ginawa niya para sa aking kaluluwa.+
17 Sa kaniya ay tumawag ako sa pamamagitan ng aking bibig,+
At nagsagawa ng pagdakila ang aking dila.+