Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Isang awitin, isang awit.
67 Pagpapakitaan tayo ng lingap ng Diyos at pagpapalain niya tayo;+
Pasisinagin niya sa atin ang kaniyang mukha+—Selah—
2 Upang ang iyong daan ay malaman sa lupa,+
Ang iyong pagliligtas maging sa gitna ng lahat ng bansa.+
3 Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;+
Purihin ka nawa ng mga bayan, nilang lahat.+
4 Magsaya nawa ang mga liping pambansa at humiyaw nang may kagalakan,+
Sapagkat hahatulan mo ang mga bayan sa katuwiran;+
At kung tungkol sa mga liping pambansa, papatnubayan mo sila sa lupa. Selah.
5 Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;+
Purihin ka nawa ng mga bayan, nilang lahat.+
6 Ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito;+
Ang Diyos, ang ating Diyos, ay magpapala sa atin.+
7 Pagpapalain tayo ng Diyos,+
At ang lahat ng mga dulo ng lupa ay matatakot sa kaniya.+