Awit
Sa tagapangasiwa. Ni David. Isang awitin, isang awit.
68 Bumangon nawa ang Diyos,+ mangalat nawa ang kaniyang mga kaaway,+
At yaong mga masidhing napopoot sa kaniya ay tumakas nawa dahil sa kaniya.+
2 Kung paanong ang usok ay itinataboy, itaboy mo nawa sila;+
Kung paanong ang pagkit ay natutunaw dahil sa apoy,+
Malipol nawa ang mga balakyot mula sa harap ng Diyos.+
3 Ngunit kung tungkol sa mga matuwid, magsaya nawa sila,+
Lubha nawa silang magalak sa harap ng Diyos,+
At magbunyi nawa sila sa pagsasaya.+
4 Umawit kayo sa Diyos, umawit kayo ng papuri sa kaniyang pangalan;+
Magbulalas kayo ng awit sa Isa na dumaraan sa mga disyertong kapatagan+
Bilang si Jah, na kaniyang pangalan;+ at magalak kayo sa harap niya;
5 Ama ng mga batang lalaking walang ama at hukom ng mga babaing balo+
Ang Diyos sa kaniyang banal na tahanan.+
6 Pinatatahan ng Diyos sa bahay ang mga nag-iisa;+
Inilalabas niya ang mga bilanggo tungo sa lubos na kasaganaan.+
Gayunman, kung tungkol sa mga sutil, sila ay tatahan sa tuyot na lupain.+
7 O Diyos, nang yumaon ka sa unahan ng iyong bayan,+
Nang humayo ka sa disyerto+—Selah—
Ang langit din ay tumulo dahil sa Diyos;+
Ang Sinai na ito ay umuga dahil sa Diyos,+ ang Diyos ng Israel.+
9 Nagsimula kang magpabuhos ng saganang ulan, O Diyos;+
Ang iyong mana, maging nang ito ay nanghihimagod—muli mo nga itong pinalakas.+
10 Ang iyong pamayanan ng mga tolda+—tumahan sila roon;+
Sa iyong kabutihan ay inihanda mo iyon para sa napipighati, O Diyos.+
11 Si Jehova ang nagbibigay ng pananalita;+
Ang mga babaing naghahayag ng mabuting balita ay isang malaking hukbo.+
12 Maging ang mga hari ng mga hukbo ay tumatakas, sila ay tumatakas.+
Kung tungkol sa kaniya na namamalagi sa tahanan, siya ay nakikibahagi sa samsam.+
13 Bagaman nakahiga kayo sa pagitan ng mga bunton ng abo ng kampo,
Naroon ang mga pakpak ng kalapati na nababalutan ng pilak
At ang mga bagwis nito ng manilaw-nilaw na luntiang ginto.+
14 Nang ipangalat ng Makapangyarihan-sa-lahat ang mga hari roon,+
Nagsimulang umulan ng niyebe sa Zalmon.+
15 Ang bulubunduking pook ng Basan+ ay bundok ng Diyos;+
Ang bulubunduking pook ng Basan ay bundok ng mga taluktok.+
16 O kayong mga bundok ng mga taluktok, bakit ninyo minamasdan nang may pagkainggit
Ang bundok na ninanais ng Diyos na maging tahanan niya?+
Si Jehova mismo ay tatahan doon magpakailanman.+
17 Ang mga karong pandigma ng Diyos ay sampu-sampung libo, libu-libong paulit-ulit pa.+
Si Jehova mismo ay dumating mula sa Sinai patungo sa dakong banal.+
Nagdala ka ng mga bihag;+
Kumuha ka ng mga kaloob sa anyong mga tao,+
Oo, maging ang mga sutil,+ upang tumahang kasama nila,+ O Jah na Diyos.
19 Pagpalain nawa si Jehova, na sa araw-araw ay siyang nagdadala ng pasan para sa atin,+
Ang tunay na Diyos ng ating kaligtasan.+ Selah.
20 Ang tunay na Diyos para sa atin ay isang Diyos ng mga gawa ng pagliligtas;+
At kay Jehova na Soberanong+ Panginoon ang mga daang malalabasan mula sa kamatayan.+
21 Tunay na pagdudurug-durugin ng Diyos ang ulo ng kaniyang mga kaaway,+
Ang mabuhok na tuktok ng ulo ng sinumang gumagala-gala sa kaniyang pagkakasala.+
22 Si Jehova ay nagsabi: “Mula sa Basan ay ibabalik ko,+
Ibabalik ko sila mula sa mga kalaliman ng dagat,+
23 Upang mahugasan mo ang iyong paa sa dugo,+
Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng bahagi nito mula sa mga kaaway.”+
24 Nakita nila ang iyong mga prusisyon, O Diyos,+
Ang mga prusisyon ng aking Diyos, na aking Hari, patungo sa dakong banal.+
25 Ang mga mang-aawit ay nagpauna, ang mga manunugtog ng mga panugtog na de-kuwerdas ay kasunod nila;+
Sa pagitan ay ang mga dalagang tumutugtog ng mga tamburin.+
26 Sa mga nagkakatipong karamihan ay pagpalain ang Diyos,+
Si Jehova, O kayo na mula sa Bukal ng Israel.+
27 Naroon ang munting Benjamin na sumusupil sa kanila,+
Ang mga prinsipe ng Juda kasama ang kanilang sumisigaw na pulutong,
Ang mga prinsipe ng Zebulon, ang mga prinsipe ng Neptali.+
28 Ang iyong Diyos ay nagbigay ng utos sa iyong kalakasan.+
Magpakita ka ng lakas, O Diyos, ikaw na kumikilos para sa amin.+
30 Sawayin mo ang mabangis na hayop na nasa mga tambo,+ ang kapulungan ng mga toro,+
Kasama ang mga guya ng mga bayan, na bawat isa ay yumayapak sa mga piraso ng pilak.+
Pinangalat niya ang mga bayan na nalulugod sa mga labanan.+
31 Mga bagay na yaring-bronse ay manggagaling sa Ehipto;+
Ang Cus ay mabilis na mag-uunat ng mga kamay nito na may mga kaloob para sa Diyos.+
32 O kayong mga kaharian sa lupa, umawit kayo sa Diyos,+
Umawit kayo ng papuri kay Jehova—Selah—
33 Sa Isa na nakasakay sa sinaunang langit ng mga langit.+
Narito! Inihihiyaw niya ang kaniyang tinig, isang malakas na tinig.+