Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. Isang awit.
2 O Dumirinig ng panalangin, sa iyo nga ay paroroon ang mga tao mula sa lahat ng laman.+
3 Ang mga bagay na may kamalian ay naging mas malakas kaysa sa akin.+
Kung tungkol sa aming mga pagsalansang, ikaw ang magtatakip sa mga iyon.+
4 Maligaya siya na iyong pinipili at pinalalapit,+
Upang tumahan siya sa iyong mga looban.+
Kami ay tunay na masisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,+
Ang banal na dako ng iyong templo.+
5 Sasagutin mo kami ng mga kakila-kilabot na bagay sa katuwiran,+
O Diyos ng aming kaligtasan,+
Ang Tiwala ng lahat ng hanggahan ng lupa at niyaong mga nasa dagat sa malayo.+
6 Itinatatag niya nang matibay ang mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan;+
Siya ay nabibigkisan nga ng kalakasan.+
7 Pinatatahimik niya ang ingay ng mga dagat,+
Ang ingay ng kanilang mga alon at ang kabagabagan ng mga liping pambansa.+
8 At ang mga tumatahan sa mga kadulu-duluhang bahagi ay matatakot sa iyong mga tanda;+
Ang mga pagsapit ng umaga at ng gabi ay pinahihiyaw mo nang may kagalakan.+
9 Ibinaling mo ang iyong pansin sa lupa, upang mabigyan mo ito ng kasaganaan;+
Lubha mo itong pinayayaman.
Ang bukal mula sa Diyos ay punô ng tubig.+
Inihahanda mo ang kanilang butil,+
Sapagkat ganiyan mo inihahanda ang lupa.+
10 Dinidilig ang mga tudling nito, pinapatag ang mga kimpal nito;+
Pinalalambot mo ito sa saganang ulan; pinagpapala mo ang mismong mga sibol nito.+