Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
64 Dinggin mo, O Diyos, ang aking tinig dahil sa aking pagkabahala.+
Mula sa panghihilakbot sa kaaway ay ingatan mo nawa ang aking buhay.+
2 Ikubli mo nawa ako mula sa lihim na usapan ng mga manggagawa ng kasamaan,+
Mula sa pagkakagulo ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+
3 Na nagpatalas ng kanilang dila na gaya ng tabak,+
Na nag-asinta ng kanilang palaso, ang mapait na pananalita,+
4 Upang panain mula sa mga kubling dako yaong walang kapintasan.+
Bigla nila siyang pinapana at hindi natatakot.+
5 Nangungunyapit sila sa masamang pananalita;+
Nag-uusap sila tungkol sa pagtatago ng mga bitag.+
Sinabi nila: “Sino ang nakakakita ng mga iyon?”+
6 Sinasaliksik nila ang mga bagay na di-matuwid;+
Nagtago sila ng tusong katha na sinaliksik nang mainam,+
At ang panloob na bahagi ng bawat isa, ang kaniya ngang puso, ay malalim.+
7 Ngunit biglang ipapana sa kanila ng Diyos ang isang palaso.+
Sila ay nagkasugat,+
Ngunit ang kanilang dila ay laban sa kanilang sarili.+
Ang lahat ng tumitingin sa kanila ay mag-iiling ng kanilang ulo,+
9 At ang lahat ng makalupang tao ay matatakot;+
At magpapahayag sila tungkol sa gawa ng Diyos,+
At tiyak na magkakaroon sila ng kaunawaan sa kaniyang gawa.+