Awit
Awitin ni David, nang siya ay nasa ilang ng Juda.+
63 O Diyos, ikaw ang aking Diyos, lagi kitang hinahanap.+
Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa iyo.+
Dahil sa iyo ay nanlulupaypay sa pananabik ang aking laman
Sa isang lupaing tuyo at lupaypay, na walang tubig.+
2 Sa gayon ay namasdan kita sa dakong banal,+
Sa pagkakita sa iyong lakas at sa iyong kaluwalhatian.+
3 Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay mas mabuti kaysa sa buhay,+
Papupurihan ka ng aking mga labi.+
4 Sa gayon ay pagpapalain kita sa buong buhay ko;+
Sa iyong pangalan ay itataas ko ang aking mga palad.+
5 Waring sa pinakamainam na bahagi, sa katabaan nga, ay nabubusog ang aking kaluluwa,+
At sa pamamagitan ng mga labi na may mga hiyaw ng kagalakan ay naghahandog ng papuri ang aking bibig.+
7 Sapagkat ikaw ay naging tulong sa akin,+
At sa lilim ng iyong mga pakpak ay humihiyaw ako nang may kagalakan.+
8 Ang aking kaluluwa ay maingat na sumunod sa iyo;+
Sa akin ay nakahawak nang mahigpit ang iyong kanang kamay.+
9 Kung tungkol sa mga naghahanap sa aking kaluluwa upang ipahamak iyon,+
Sila ay hahantong sa pinakamabababang bahagi ng lupa.+