Awit
Sa tagapangasiwa ng Jedutun. Awitin ni David.
62 Tunay na sa Diyos ay naghihintay nang may katahimikan ang aking kaluluwa.+
Nagmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.+
2 Tunay na siya ang aking bato at aking kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan;+
Hindi ako lubhang makikilos.+
3 Hanggang kailan kayo magngangalit laban sa taong papaslangin ninyo?+
Kayong lahat ay tulad ng pader na nakahapay, isang batong pader na ibinubuwal.+
4 Tunay na sila ay nagpapayo upang hikayatin ang isa mula sa kaniyang dangal;+
Nalulugod sila sa kasinungalingan.+
Sa pamamagitan ng kanilang bibig ay nagpapala sila, ngunit sa loob nila ay sumusumpa sila.+ Selah.
5 Sa Diyos nga ay maghintay ka nang tahimik, O kaluluwa ko,+
Sapagkat nagmumula sa kaniya ang aking pag-asa.+
6 Tunay na siya ang aking bato at aking kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan;+
Hindi ako makikilos.+
7 Nasa Diyos ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian.+
Ang aking matibay na bato, ang aking kanlungan ay nasa Diyos.+
8 Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng panahon, O bayan.+
Sa harap niya ay ibuhos ninyo ang inyong puso.+
Ang Diyos ay kanlungan para sa atin.+ Selah.
9 Tunay na ang mga anak ng makalupang tao ay isang singaw,+
Ang mga anak ng sangkatauhan ay kasinungalingan.+
Kapag inilagay sila sa timbangan ay mas magaan silang lahat kaysa sa isang singaw.+
10 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa pandaraya,+
Ni maging walang-kabuluhan man dahil sa tahasang pagnanakaw.+
Sakaling ang kabuhayan ay umunlad, huwag ninyong ituon ang inyong puso sa mga iyon.+