31 At may ulat na isinaysay kay David, na nagsasabi: “Si Ahitopel mismo ay kasama niyaong mga nakikipagsabuwatan+ kay Absalom.”+ Dahil dito ay sinabi ni David:+ “Pakisuyo, gawin mong kamangmangan+ ang payo ni Ahitopel, O Jehova!”+
4 Huwag nawang mangyari iyan! Kundi masumpungan nawang tapat ang Diyos,+ bagaman ang bawat tao ay masumpungang sinungaling,+ gaya nga ng nasusulat: “Upang ikaw ay mapatunayang matuwid sa iyong mga salita at magwagi kapag hinahatulan ka.”+