Awit
Sa tagapangasiwa ng Liryo ng Paalaala. Miktam. Ni David. Para sa pagtuturo.+ Nang makipaglaban siya sa Aram-naharaim at sa Aram-Zoba, at bumalik si Joab at sinaktan ang Edom sa Libis ng Asin, ang labindalawang libo nga.+
3 Pinangyari mong makakita ng kahirapan ang iyong bayan.+
Pinainom mo kami ng alak anupat kami ay sumuray-suray.+
4 Binigyan mo ng hudyat yaong mga may takot sa iyo+
Upang tumakas nang paliku-liko dahil sa busog. Selah.
5 Upang ang iyong mga minamahal ay masagip,+
O magligtas ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo kami.+
6 Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan:+
“Ako ay magbubunyi, ibibigay ko ang Sikem bilang isang bahagi;+
At ang mababang kapatagan ng Sucot ay susukatin ko.+
7 Ang Gilead ay sa akin at ang Manases ay sa akin,+
At ang Efraim ay tanggulan ng aking pangulo;
Ang Juda ay aking baston ng kumandante.+
9 Sino ang magdadala sa akin sa kinubkob na lunsod?+
Sino ba ang talagang papatnubay sa akin hanggang sa Edom?+
10 Hindi ba ikaw, O Diyos, na siyang nagtakwil sa amin+
At siyang hindi lumalabas na kasama ng aming mga hukbo bilang Diyos?+