Awit
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Ni David.
2 Mula sa dulo ng lupa ay sisigaw ako, sa iyo nga, kapag nanghina ang aking puso.+
Patnubayan mo nawa ako sa ibabaw ng bato na mas mataas kaysa sa akin.+
4 Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda hanggang sa mga panahong walang takda;+
Manganganlong ako sa kublihan ng iyong mga pakpak.+ Selah.
5 Sapagkat ikaw, O Diyos, ay nakinig sa aking mga panata.+
Ibinigay mo sa akin ang pag-aari niyaong mga may takot sa iyong pangalan.+
6 Mga araw ay idaragdag mo sa mga araw ng hari;+
Ang kaniyang mga taon ay magiging tulad ng sali’t salinlahi.+