5 Isinulyap mo ba rito ang iyong mga mata, gayong ito ay walang anuman?+ Sapagkat walang pagsalang gumagawa ito ng mga pakpak para sa kaniyang sarili na tulad ng sa agila at lumilipad patungo sa langit.+
19 “Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sarili ng mga kayamanan+ sa lupa, kung saan ang tangà at kalawang ay nang-uubos, at kung saan ang mga magnanakaw ay nanloloob at nagnanakaw.
24 “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon; sapagkat alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa,+ o pipisan siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.+
15 Nang magkagayon ay sinabi niya sa kanila: “Maging mapagmasid kayo at magbantay kayo laban sa bawat uri ng kaimbutan,+ sapagkat kahit na may kasaganaan ang isang tao ang kaniyang buhay ay hindi nagmumula sa mga bagay na tinataglay niya.”+
17 Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman+ sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip,+ at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan,+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan;+
16 sapagkat ang lahat ng bagay na nasa sanlibutan+—ang pagnanasa ng laman+ at ang pagnanasa ng mga mata+ at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa+—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.+