Kawikaan
11 Ang madayang pares ng timbangan ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang hustong batong-panimbang ay kalugud-lugod sa kaniya.
2 Dumating ba ang kapangahasan? Kung gayon ay darating ang kasiraang-puri;+ ngunit ang karunungan ay nasa mga mahinhin.+
3 Ang katapatan ng mga matuwid ang pumapatnubay sa kanila,+ ngunit ang pagpilipit ng mga nakikitungo nang may kataksilan ang mananamsam sa kanila.+
4 Ang mahahalagang pag-aari ay hindi mapakikinabangan sa araw ng poot,+ ngunit katuwiran ang magliligtas mula sa kamatayan.+
5 Ang katuwiran ng walang kapintasan ang magtutuwid ng kaniyang lakad,+ ngunit sa kaniyang sariling kabalakyutan ay mabubuwal ang balakyot.+ 6 Ang katuwiran ng mga matapat ang magliligtas sa kanila,+ ngunit dahil sa kanilang paghahangad ay mahuhuli yaong mga nakikitungo nang may kataksilan.+
7 Kapag namatay ang taong balakyot, ang kaniyang pag-asa ay naglalaho;+ at maging ang pag-asam na salig sa kapangyarihan ay naglaho.+
8 Ang matuwid ang siyang inililigtas mula sa kabagabagan,+ at ang balakyot ay pumapasok na kahalili niya.+
9 Sa pamamagitan ng kaniyang bibig ay ipinapahamak ng apostata ang kaniyang kapuwa,+ ngunit sa pamamagitan ng kaalaman ay naliligtas ang mga matuwid.+
10 Dahil sa kabutihan ng mga matuwid ay lubhang nagagalak ang bayan,+ ngunit kapag namamatay ang mga balakyot ay may hiyaw ng kagalakan.+
11 Dahil sa pagpapala ng mga matuwid ay naitataas ang bayan,+ ngunit dahil sa bibig ng mga balakyot ay nagigiba ito.+
12 Siyang kapos ang puso ay humahamak sa kaniyang kapuwa,+ ngunit ang taong may malawak na kaunawaan ang siyang nananatiling tahimik.+
13 Ang gumagala bilang maninirang-puri+ ay nagbubunyag ng lihim na usapan,+ ngunit ang may tapat na espiritu ay nagtatakip ng isang bagay.+
14 Kung walang mahusay na patnubay, ang bayan ay bumabagsak;+ ngunit may kaligtasan sa karamihan ng mga tagapayo.+
15 Ang isa ay tiyak na mapapariwara dahil nanagot siya para sa taong di-kilala,+ ngunit ang napopoot sa pakikipagkamay ay nananatiling malaya sa alalahanin.
16 Ang babaing kahali-halina ang siyang may tangan sa kaluwalhatian;+ ngunit ang mga maniniil, sa ganang kanila, ang may tangan sa kayamanan.
17 Ang taong may maibiging-kabaitan ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa,+ ngunit ang taong malupit ay nagdadala ng sumpa sa kaniyang sariling katawan.+
18 Ang balakyot ay nagtitipon ng huwad na kabayaran,+ ngunit yaon namang naghahasik ng katuwiran, tunay na pakinabang.+
19 Ang matatag na naninindigan sa katuwiran ay nakahanay sa buhay,+ ngunit ang humahabol sa kasamaan ay nakahanay sa sarili niyang kamatayan.+
20 Yaong mga liko ang puso ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang mga walang kapintasan sa kanilang lakad ay kalugud-lugod sa kaniya.+
21 Bagaman ang kamay ay humawak sa kamay, ang masamang tao ay hindi yayaong di-naparurusahan;+ ngunit ang supling ng mga matuwid ay tiyak na makatatakas.+
22 Gaya ng gintong singsing na pang-ilong na nasa nguso ng baboy, gayon ang babaing maganda ngunit humihiwalay sa katinuan.+
23 Ang pagnanasa ng mga matuwid ay tiyak na mabuti;+ ang pag-asa ng mga balakyot ay poot.+
24 May namumudmod at gayunma’y dumarami pa;+ may nagpipigil din sa paggawa ng nararapat, ngunit nauuwi lamang ito sa kakapusan.+
25 Ang kaluluwang bukas-palad ay patatabain,+ at ang saganang dumidilig sa iba ay sagana ring didiligin.+
26 Ang nagkakait ng butil—susumpain siya ng taong-bayan, ngunit may pagpapala para sa ulo ng nagbibili niyaon.+
27 Siya na naghahanap ng kabutihan ay maghahangad ng kabutihang-loob;+ ngunit kung tungkol sa humahanap ng kasamaan, darating ito sa kaniya.+
28 Ang nagtitiwala sa kaniyang kayamanan—siya ay mabubuwal;+ ngunit gaya ng mga dahon ay mamumukadkad ang mga matuwid.+
29 Kung tungkol sa sinumang nagdadala ng sumpa sa kaniyang sariling sambahayan,+ magmamay-ari siya ng hangin;+ at ang taong mangmang ay magiging lingkod niyaong may pusong marunong.
30 Ang bunga ng matuwid ay punungkahoy ng buhay,+ at siyang nagwawagi ng mga kaluluwa ay marunong.+
31 Narito! Ang matuwid—sa lupa ay gagantihan siya.+ Gaano pa kaya ang balakyot at ang makasalanan!+