Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 16:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang tindig,+ sapagkat itinakwil ko siya. Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao [ang paraan ng pagtingin ng Diyos],+ sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata;+ ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.”+

  • Job 34:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sapagkat ayon sa paggawi ng makalupang tao ay gagantihan+ niya siya,

      At ayon sa landas ng tao ay pasasapitin niya iyon sa kaniya.

  • Kawikaan 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung sasabihin mo: “Narito! Hindi namin alam iyon,”+ hindi ba ito matatalos niyaong sumusukat ng mga puso,+ at malalaman niyaong nagbabantay sa iyong kaluluwa+ at gagantihan nga niya ang makalupang tao ayon sa kaniyang gawa?+

  • Jeremias 32:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 dakila sa layunin+ at sagana sa mga gawa,+ ikaw na ang mga mata ay nakadilat sa lahat ng lakad ng mga anak ng mga tao,+ upang ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad at ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo;+

  • Ezekiel 7:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ang hari mismo ay magdadalamhati;+ maging ang isang pinuno ay magdadamit ng kaabahan,+ at ang mismong mga kamay ng bayan ng lupain ay maliligalig. Ayon sa kanilang lakad ang gagawin ko sa kanila,+ at ang kanilang mga kahatulan ay ihahatol ko sa kanila;+ at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.’ ”+

  • Roma 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ibibigay niya sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga gawa:+

  • 2 Corinto 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat tayong lahat ay dapat na mahayag sa harap ng luklukan ng paghatol ng Kristo,+ upang makamit ng bawat isa ang kaniyang gantimpala para sa mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa mga bagay na isinagawa niya, ito man ay mabuti o buktot.+

  • Galacia 6:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Huwag kayong palíligaw:+ Ang Diyos ay hindi isa na malilibak.+ Sapagkat anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin;+

  • Colosas 3:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Tiyak nga na bilang ganti ay tatanggapin+ niyaong gumagawa ng mali ang anumang ginawa niya nang may kamalian, at walang pagtatangi.+

  • 2 Timoteo 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Si Alejandro+ na panday-tanso ay gumawa sa akin ng maraming pinsala—gagantihan siya ni Jehova ayon sa kaniyang mga gawa+—

  • 1 Pedro 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Karagdagan pa, kung tumatawag kayo sa Ama na humahatol nang walang pagtatangi+ ayon sa gawa ng bawat isa, gumawi kayo nang may takot+ sa panahon ng inyong paninirahan bilang dayuhan.+

  • Apocalipsis 20:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At nakita ko ang mga patay, ang malalaki at ang maliliit,+ na nakatayo sa harap ng trono, at nabuksan ang mga balumbon. Ngunit may iba pang balumbon na nabuksan; ito ang balumbon ng buhay.+ At ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.+

  • Apocalipsis 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “ ‘Narito! Ako ay dumarating nang madali,+ at ang gantimpala+ na aking ibibigay ay nasa akin, upang iukol sa bawat isa ang ayon sa kaniyang gawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share