2 Corinto
5 Sapagkat alam natin na kung ang ating makalupang bahay,+ ang toldang ito,+ ay masisira,+ magkakaroon tayo ng isang gusali mula sa Diyos, isang bahay na hindi ginawa ng mga kamay,+ walang hanggan+ sa langit. 2 Sapagkat sa tinatahanang bahay na ito ay dumaraing nga tayo,+ na marubdob na ninanasang ibihis yaong para sa atin mula sa langit,+ 3 upang matapos nga itong maibihis ay hindi tayo masumpungang hubad.+ 4 Sa katunayan, tayo na nasa toldang ito ay dumaraing, na nabibigatan; sapagkat nais natin, hindi ang hubarin ito, kundi ibihis yaong isa,+ upang yaong mortal ay malulon ng buhay.+ 5 Ngayon siya na gumawa sa atin ukol sa mismong bagay na ito ay ang Diyos,+ na nagbigay sa atin ng palatandaan+ niyaong darating, samakatuwid nga, ang espiritu.+
6 Kaya nga lagi kaming may lakas ng loob at nalalaman namin na, habang nananahanan kami sa katawan, wala kami sa harap ng Panginoon,+ 7 sapagkat lumalakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.+ 8 Ngunit kami ay may lakas ng loob at lubos na nalulugod na sa halip ay maging wala sa katawan at manahanang kasama ng Panginoon.+ 9 Kaya ginagawa rin naming aming tunguhin na, nananahan mang kasama niya o wala sa harap niya,+ kami ay maging kaayaaya sa kaniya.+ 10 Sapagkat tayong lahat ay dapat na mahayag sa harap ng luklukan ng paghatol ng Kristo,+ upang makamit ng bawat isa ang kaniyang gantimpala para sa mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa mga bagay na isinagawa niya, ito man ay mabuti o buktot.+
11 Kaya nga, yamang nalalaman ang pagkatakot+ sa Panginoon, patuloy kaming nanghihikayat+ sa mga tao, ngunit nahayag na kami sa Diyos. Gayunman, umaasa ako na nahayag na rin kami sa inyong mga budhi.+ 12 Hindi namin muling inirerekomenda+ sa inyo ang aming sarili, kundi binibigyan namin kayo ng pangganyak upang maghambog may kaugnayan sa amin,+ upang magkaroon kayo ng maisasagot doon sa mga naghahambog dahil sa panlabas na kaanyuan+ ngunit hindi dahil sa puso.+ 13 Sapagkat kung nasisiraan kami ng aming isip,+ ito ay para sa Diyos; kung matino ang aming pag-iisip,+ ito ay para sa inyo. 14 Sapagkat ang pag-ibig na taglay ng Kristo ang nag-uudyok sa amin, sapagkat ito ang aming inihahatol, na ang isang tao ay namatay para sa lahat;+ kaya nga, ang lahat ay namatay; 15 at namatay siya para sa lahat upang yaong mga nabubuhay ay huwag nang mabuhay pa para sa kanilang sarili,+ kundi para sa kaniya+ na namatay para sa kanila at ibinangon.+
16 Dahil dito mula ngayon ay hindi na namin kilala ang sinumang tao ayon sa laman.+ Kung nakilala man namin si Kristo ayon sa laman,+ tiyak na hindi na namin siya kilala ngayon nang gayon.+ 17 Dahil dito kung ang sinuman ay kaisa ni Kristo, siya ay isang bagong nilalang;+ ang mga lumang bagay ay lumipas na,+ narito! mga bagong bagay ang umiral.+ 18 Ngunit ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos, na ipinagkasundo+ kami sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni Kristo at nagbigay sa amin ng ministeryo+ ng pakikipagkasundo, 19 samakatuwid nga, na sa pamamagitan ni Kristo+ ay ipinakikipagkasundo ng Diyos ang isang sanlibutan+ sa kaniyang sarili,+ na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagkakamali,+ at ipinagkatiwala niya sa amin ang salita+ ng pakikipagkasundo.+
20 Kami+ samakatuwid ay mga embahador+ na humahalili para kay Kristo,+ na para bang ang Diyos ay namamanhik sa pamamagitan namin.+ Bilang mga kahalili para kay Kristo ay nagsusumamo kami:+ “Makipagkasundo kayo sa Diyos.” 21 Ang isa na hindi nakakilala ng kasalanan+ ay ginawa niyang kasalanan+ para sa atin, upang kami ay maging katuwiran ng Diyos+ sa pamamagitan niya.