2 Corinto
6 Yamang gumagawang kasama niya,+ namamanhik din kami sa inyo na huwag tanggapin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at sumala sa layunin nito.+ 2 Sapagkat sinasabi niya: “Sa isang kaayaayang panahon ay dininig kita, at sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita.”+ Narito! Ngayon ang lalong kaayaayang panahon.+ Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.+
3 Sa anumang paraan ay hindi kami nagbibigay ng anumang dahilan na ikatitisod,+ upang ang aming ministeryo ay huwag makitaan ng pagkakamali;+ 4 kundi sa bawat paraan ay inirerekomenda+ namin ang aming sarili bilang mga ministro ng Diyos, sa maraming pagbabata, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga kahirapan,+ 5 sa mga pambubugbog, sa mga bilangguan,+ sa mga kaguluhan, sa mga pagpapagal, sa mga gabing walang tulog, sa mga panahong walang makain,+ 6 sa kadalisayan, sa kaalaman, sa mahabang pagtitiis,+ sa kabaitan,+ sa banal na espiritu, sa pag-ibig na walang pagpapaimbabaw,+ 7 sa tapat na pananalita, sa kapangyarihan ng Diyos;+ sa pamamagitan ng mga sandata+ ng katuwiran sa kanang kamay at sa kaliwa, 8 sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kasiraang-puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at mabuting ulat; gaya ng mga manlilinlang+ at gayunma’y tapat, 9 gaya ng mga di-kilala at gayunma’y nakikilala,+ gaya ng mga namamatay at gayunman, narito! nabubuhay kami,+ gaya ng mga dinidisiplina+ at gayunma’y hindi ibinibigay sa kamatayan,+ 10 gaya ng mga nalulumbay ngunit palaging nagsasaya, gaya ng mga dukha ngunit pinayayaman ang marami, gaya ng mga walang pag-aari at gayunma’y nagmamay-ari ng lahat ng bagay.+
11 Ang aming bibig ay binuksan para sa inyo, mga taga-Corinto, ang aming puso+ ay lumawak. 12 Hindi kayo nasisikipan sa loob namin,+ kundi nasisikipan kayo sa inyong sariling magiliw na pagmamahal.+ 13 Kaya, bilang ganting kabayaran—nagsasalita akong gaya ng sa mga anak+—kayo rin ay magpalawak.
14 Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya.+ Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa katampalasanan?+ O anong pakikibahagi mayroon ang liwanag sa kadiliman?+ 15 Karagdagan pa, anong pagkakasuwato mayroon sa pagitan ni Kristo at ni Belial?+ O anong bahagi+ mayroon ang isang tapat na tao sa isang di-sumasampalataya? 16 At anong pakikipagkasundo mayroon ang templo ng Diyos sa mga idolo?+ Sapagkat tayo ay templo+ ng isang Diyos na buháy; gaya ng sinabi ng Diyos: “Ako ay mananahan sa gitna nila+ at lalakad sa gitna nila, at ako ang magiging kanilang Diyos, at sila ang magiging aking bayan.”+ 17 “ ‘Kaya nga lumabas kayo mula sa kanila, at humiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay’ ”;+ “ ‘at tatanggapin ko kayo.’ ”+ 18 “ ‘At ako ay magiging isang ama sa inyo,+ at kayo ay magiging mga anak na lalaki at mga anak na babae sa akin,’+ sabi ni Jehova na Makapangyarihan-sa-lahat.”+