Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 8:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit,+ ang iyong tatag na dakong tinatahanan,+ at magpatawad ka+ at kumilos+ at magbigay sa bawat isa ng ayon sa lahat ng kaniyang mga lakad,+ sapagkat nalalaman mo ang kaniyang puso+ (sapagkat ikaw lamang ang lubos na nakaaalam sa puso ng lahat ng mga anak ng sangkatauhan);+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin+ mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod+ ka sa kaniya nang may sakdal na puso+ at may nakalulugod na kaluluwa;+ sapagkat ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova,+ at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya;+ ngunit kung iiwan mo siya,+ itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • 2 Cronica 16:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat, kung tungkol kay Jehova, ang kaniyang mga mata+ ay lumilibot sa buong lupa+ upang ipakita ang kaniyang lakas alang-alang sa mga may pusong+ sakdal sa kaniya. Ikaw ay kumilos nang may kamangmangan+ may kaugnayan dito, sapagkat mula ngayon ay magkakaroon ng mga digmaan laban sa iyo.”+

  • Awit 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Pakisuyo, magwakas nawa ang kasamaan ng mga balakyot,+

      At itatag mo nawa ang matuwid;+

      At ang Diyos bilang matuwid+ ay sumusubok sa puso+ at sa mga bato.+

  • Kawikaan 24:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung sasabihin mo: “Narito! Hindi namin alam iyon,”+ hindi ba ito matatalos niyaong sumusukat ng mga puso,+ at malalaman niyaong nagbabantay sa iyong kaluluwa+ at gagantihan nga niya ang makalupang tao ayon sa kaniyang gawa?+

  • Jeremias 17:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Akong si Jehova ang sumisiyasat sa puso,+ sumusuri sa mga bato,+ upang ibigay nga sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga lakad,+ ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo.+

  • Gawa 1:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At sila ay nanalangin at nagsabi: “Ikaw, O Jehova, na nakatatalos ng mga puso ng lahat,+ ipakilala mo kung alin sa dalawang lalaking ito ang iyong pinili,

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share