-
1 Samuel 16:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ngunit sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang tindig,+ sapagkat itinakwil ko siya. Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao [ang paraan ng pagtingin ng Diyos],+ sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata;+ ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.”+
-
-
1 Cronica 29:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 At nalalaman kong lubos, O Diyos ko, na ikaw ay tagasuri ng puso,+ at nalulugod ka sa pagkamatuwid.+ Ako, sa ganang akin, sa katapatan ng aking puso ay kusang-loob akong naghandog ng lahat ng bagay na ito, at ngayon ay nasisiyahan akong makita ang iyong bayan na narito at naghahandog nang kusang-loob sa iyo.
-