Awit
Panambitan ni David na inawit niya kay Jehova tungkol sa mga salita ni Cus na Benjaminita.
7 O Jehova na aking Diyos,+ sa iyo ako nanganganlong.+
Iligtas mo ako mula sa lahat ng umuusig sa akin at hanguin mo ako,+
2 Upang sa aking kaluluwa ay walang sinumang lumuray na gaya ng leon,+
Na umaagaw sa akin kapag walang tagapagligtas.+
3 O Jehova na aking Diyos, kung nagawa ko ito,+
Kung may anumang kawalang-katarungan sa aking mga kamay,+
4 Kung ginantihan ko ng masama yaong nagbibigay-gantimpala sa akin,+
O kung sinamsaman ko ang sinumang napopoot sa akin nang walang tagumpay,+
5 Tugisin na sana ng kaaway ang aking kaluluwa+
At abutan niya at yurakan ang aking buhay hanggang sa mismong lupa
At patahanin ang aking kaluwalhatian sa alabok. Selah.
6 Bumangon ka, O Jehova, sa iyong galit;+
Itaas mo ang iyong sarili sa mga silakbo ng poot niyaong mga napopoot sa akin,+
At gumising ka alang-alang sa akin,+ yamang nag-utos ka ukol sa kahatulan.+
7 At palibutan ka nawa ng kapulungan ng mga liping pambansa,
At laban doon ay bumalik ka nawa sa kaitaasan.
8 Si Jehova ang maglalapat ng hatol sa mga bayan.+
Hatulan mo ako, O Jehova, ayon sa aking katuwiran+
At ayon sa katapatan+ kong nasa akin.
9 Pakisuyo, magwakas nawa ang kasamaan ng mga balakyot,+
At itatag mo nawa ang matuwid;+
At ang Diyos bilang matuwid+ ay sumusubok sa puso+ at sa mga bato.+
10 Ang kalasag para sa akin ay nasa Diyos,+ na Tagapagligtas niyaong mga matapat ang puso.+
12 Kung ang sinuman ay hindi manunumbalik,+ ang Kaniyang tabak ay patatalasin niya,+
Ang kaniyang busog ay tiyak na huhutukin niya, at ihahanda niya iyon sa pagpana.+
13 At ihahanda niya para sa kaniyang sarili ang mga kasangkapan ng kamatayan;+
Ang kaniyang mga palaso ay pagliliyabin niya.+
14 Narito! May nagdadalang-tao ng bagay na nakasasakit,+
At siya ay naglilihi ng kabagabagan at manganganak nga ng kabulaanan.+
15 Nagdukal siya ng isang hukay, at hinukay pa niya iyon;+
Ngunit mahuhulog siya sa butas na kaniyang ginawa.+